Wednesday, October 27, 2010

Heehee.

May reward ang grades ko ngayong sem. Yehey.


Irere-paint ang kwarto ko. Magiging green na siya. Parang blackboard lang. Gusto ko yun para masarap ang tulog ko. Sa wakas, after 4 years, mapipinturahan na siya. Oo, ganun lang ang luho ko. Ayoko ng bagong damit o gadget bilang reward, gusto ko lang mapinturahan ang kwarto ko. Naks. HAHA. At gusto kong maging conducive siya para sa pagtulog ko (pinakamahalaga yan haha), pagaaral ko, pagtugtog, pagsusulat at pagbabasa. :D


Matatapos na sembreak ko. Masasabi kong may naaccomplish naman ako. Nakatapos ako ng isang libro. Yehey. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagbasa eh, at natapos ko siya sa loob ng apat na oras. Wait! Hindi siya Bob Ong book. :))) Ewan ko, ganun ako eh, hindi ko na hilig ang magbasa. Oo, dati sobra, kaya nga lumabo agad ang mata ko grade 4 pa lang ako. Natatapos ko kasi ang Harry Potter Books sa loob ng tatlong araw. Kaya ngayon, achievement para sakin ang makatapos ng libro kasi di ko na madalas ginagawa. :) Ang weird lang. Wala akong balance. Kumbaga, magbabasa ako o hindi ako magbabasa at all. Nung nagbasa ako kagabi, hindi ko siya tinigilan hanggat di ko natapos, kaya 2am nako nakatulog. Pero pag di naman ako nagbabasa, natitiis ko kahit 6 months pa. Oo na, ako na ang boring at magulo kausap. Pero parang gusto ko na ulit gawing hilig ang pagbabasa, kaso wala na akong oras. :|


Oo, nagkwento lang ako sa post na'to. Eh bakit ba? :P

No comments:

Post a Comment