Saturday, October 23, 2010

O, ano?

Teenagers. A juvenile between the onset of puberty and maturity. Lacking maturity. Misfits. Awkward years.

Madalas naniniwala tayo sa sinasabi ng diksyunaryo. O kaya sa mga opinyon ng mga sikat, impluwensyal at intelektuwal na tao. Minsan nakakalimutan natin na tayo pala mismo ay may karapatang ipaliwanag yung mga nangyayari, magkaroon ng opinyon, yung galing mismo sa atin. Kaso may standards ng pagiging tama. At dahil hindi natin alam kung bata pa ba tayo o matanda na, hindi rin natin alam minsan kung kelan tayo pwedeng magbigay ng opinyon.

Yun ang nakakabadtrip sa pagiging teenager. Hindi ka pwedeng maging sobrang laya, pero hindi ka rin naman sinasakal. Ironic, awkward, hindi mo alam kung san ka lulugar. Parang ewan lang. Alam mong hindi ka na bata, pero alam mo rin na hindi ka pa matanda... kaya madalas, hindi mo alam kung ano ka.

Madaas nalilito ka, at dahil hindi maibigay ng maliit mong mundo ang mga sagot sa mga tanong mo, lumalabas ka, nageexplore, hinahanap mo ang sarili mo. Hindi mo naman masisi sarili mo kung nahihirapan ka bumalik diba? Di naman masamang maligaw paminsan-minsan.

At sa dami ng retorikal na tanong sa mundo, paano pa natin maiintindihan ang mga bagay? Kung yung mga tanong mismo eh hindi na nangangailangan ng sagot? Manghuhula na lang ba tayo lagi?

Sorry. Ang gulo gulo na kasi eh.

No comments:

Post a Comment