Thursday, December 2, 2010

December, bring it on! ~\m/

Ang saya ng pasok ng December ko. :) As in. 


Una, hindi ako late. Oha oha oha? Siguro dahil nagtaxi ako. Pero kahit na. Sabay kaming pumasok ng prof sa classroom kaya hindi ako late. Oo, HINDI AKO LATE. At ang saya ko dahil dun. Hahaha. Well, para sa kaalaman ng iba, DL kasi ako. As in Daily Late. :)) Kaya isang achievement para sa akin ang hindi  malate sa 7:30 class. :) Feel ko hindi nako malelate buong December. Feel ko lang. Pwede naman magbago ang feeling ko. :))))


Pangalawa, blessing in disguise ang prelims sa Econ. Ang prelims na yun ay kahapon ko lang din nalaman. As in wala akong niaral na kahit ano. Di ko nga binuklat ang libro mula nung huling Econ class eh. :)) Pero buti nalang multiple choice siya at True or False. At mejo madali lang ang mga tanong kaya nahulaan ko. Hahaha. At! Dahil maaga ako natapos, mahaba ang break kaya sa Mang Inasal kami kumain. At! Dahil sa labas ng school kakain, kelangan kong lumabas ng gate. At! Paglabas ko ng gate, nakita ko ang crush kong Nursing! HAHAHA. Okay, overrated na ang kwento tungkol dito. Natext ko yata lahat ng kaclose kong babae para lang iannounce na nakita ko ang crush ko. =))))))


Pangatlo, ang saya maghumyper sa Physics. Lagi nalang ganun ang gawain namin sa subject na yun. 4 1/2 hours na subject eh. Kailangan namin aliwin ang sarili namin. Kasama na dun ang pagsayaw ng Beat It ni Michael Jackson, pakikinig ng music habang nagdidiscuss ang prof, pag-inom ng tubig na galing sa CR, panghuhula ng sagot sa seatwork at paggamit ng animal instinct. =)) Ang bagal bagal ng oras pag Physics. Pakiramdam ko sampung araw ang lumilipas pag andun ako. :| Hahaha.


Pangapat, pumunta kami kila Chinky. Birthday niya kasi. Pumayat siya. Ang daya. Ako ang taba ko parin. Hahaha. Ang sarap ng food. :))


Wala lang. Ang saya lang ng December kasi ang dami kong nagawa sa unang araw niya. Ang dami kong nakausap, ang dami kong nakabond. Sana ganun nalang lagi. :)))) Kaso prelims ko na next week. Ang bilis lang. Pero onti nalang Christmas break na. Yehey. Yun lang, ktnxbye. :))

2 comments:

  1. LOVE IT PEPS! Ngayon ko lang nalaman, nagkakacrush ka pala :"> =))

    ReplyDelete
  2. Oo Peps, nagkakacrush ako. At malala ang tama ko sa Nursing na yun. Tumatayo lahat ng balahibo ko pag nakikita ko siya. =))))))

    ReplyDelete