Tuesday, December 7, 2010

This is about someone else.

WARNING: This is not about me.... [continued on the last sentence of this entry] Another product of a sabawed and sabog mind due to the inconvenience of practicing our cheerdance today. Thank you and Mabuhay. (This is a repost from my Multiply site)

Media can really play a big part in changing (or rather in manipulating) our lives. Like, grabe. Films, stories, write-ups at kung anu-anu pang media components ang nagagamit ngayon para lang ma-define ang characteristics at mga kagandahan sa isang bida. Yung tipong conqueror effect ba. Yung sa dulo, laging nage-end up to be the winner. Yung napunta lahat ng maganda sakanya. Yung approval ng mga tao. Yung taong mahal niya at mahal din daw siya. Saka yung power and authority.

Ayun, nalalason tuloy yung utak ng mga tao. Ano na kayang nangyari sa "conqueror" na yun after ng battle niya. After niyang sumaya, end na ng storya diba? Ano nang mangyayari afterwards? Masaya parin ba siya hanggang pinaka-dulo ng kwento ng buhay niya? Yun ang mali eh, nawawala yung reality sa mga kwento ngayon just because kakaibang "ganda" ang gustong ma-project ng media.

Di naman ganun sa totoong buhay. Di mo naman talaga makukuha lahat ng kasiyahan nang sabay-sabay. Ano ka, masaya?! Haha. Sa tunay na buhay, pinaghihirapan ang happiness. It is to be earned, not to be given away na parang regalong pinamumudmod ng mga pulitikong kumakandidato pag eleksyon. Proseso lahat ng bagay, and happiness is not an excemption. And yes, it is also a choice. You choose to be happy, that's why you find happiness, you earn it, it's not free. It's your choice, your choice to find it, and then choose to feel it. It's not just a feeling, it's an achievement. Oha? =))

Oo, sa dulo nang halos lahat ng palabas at pelikula ngayon, laging masaya yung bida. Pero anung sunod? After niya habulin sa airport yung love interest niya na supposed to be aalis ng bansa? Magchuchuwariwap sila. Tapos magtititigan na parang wala nang mas masaya kaysa sa kanila. Kikiligin yung mga nanunuod. Titili. Pero syempre may ka-lovetriangle sila diba (minsan nga square pa)? Minsan, nababading. Namamatay. Nagkakasakit. Nagpapatawad. Para lang maging masaya yung bida. Pag masaya na sila. Gugulong na yung credits. Tapos na yung pelikula. O tapos? Anu nang sunod? Tsk, napaka-fragmented ng kwento. Haha, KJ ako. Osiguro, hindi lang talaga ako bilib sa happy endings...

Sa totoong buhay, di naman agad sumusuko yung ka-lovetriangle eh. Lagi siyang andyan parin. Bihira yung nababading. Yung namamatay. Yung nagkakasakit. Madalas nagpapatawad, nagpaparaya. Pero, andyan parin. Malay mo kung plastic lang siya. Na may balak pala siyang maghiganti at pasabugin yung kotse nung dalawang bida habang papunta sa honeymoon nila? Malay natin diba. Kaso madalas di na natin nalalaman. Natatapos na kasi yung kwento eh, kahit minsan marami ka pang gustong malaman at makita.

Anung point? Iba yung totoong buhay sa mga nakikita natin sa buhay ng ibang tao. Iba yung tayo mismo yung gagawa at makakakita nun sa sarili natin. Dun lang natin malalaman kung panu talaga sumaya. Di mo naman malalaman yung diperensya ng kasiyahan at lungkot kung di mo nararansan parehas diba?

Palibhasa, minsan lagi nalang natin gusto mapasaya sarili natin. Ayaw nating masaktan. Ayaw nating makasakit. Para kanino? Para satin. 

Pero balik sa kwentong "bida". Oo, pwedeng makuha mo lahat sa unang yugto ng kwento mo. Pero pwede ring mahulog ka lang sa patibong na ginawa mo para sa iba. Ang tanga diba? :))
E anu nga ba talaga yung point? You have your own demands. You have your own wants and desires. Syempre you want to be happy in the end. You want to attain fulfillment in life. And no one can do that if he doesn't play the game clean and fair. It's about going for the goal, and not playing safe. God didn't give us this life para lang maging kuntento tayo sa puro kasiyahan at smoothness ng buhay. try mo naman minsan yung roughness, malay mo masaya rin yun? :> Lahat dapat may goal. Kasi kung wala, namatay ka na sana. Inspiring ayt? =)) 

Ayaw ni God na nagiging stagnant tayo lalo na pagdating sa kanya, syempre nasasaktan siya. Isipin mo nalang kung stagnant sa'yo yung bestfriend mo or anyone na close sayo, masakit yun diba? We have an entire life to make God the "bida" of our lives. It's not about us, it's about Him. Yes, it's a process, but everything will follow, if it's according to His will. :D

So, sinong masaya? :D

... And of course mas lalong not about you. ;)

No comments:

Post a Comment