Okay. So my full name is Abigail Anne Cerdinio Padrelanan.
Abigail means father's joy; Anne means grace.
So.. you can also call me Joy Grace. @_@
Nakakasawa ang pangalan ko. Ewan ko, siguro kasi lagi kong naririnig kaya overrated na sakin. Syempre, di ko naman sila masisi na tawagin ako sa pangalan ko. Hm, di ko rin alam kung bakit Abigail Anne pangalan ko. Marami namang revisions eh...
Abby yung pinakanormal. Kung tatanungin ako ng "Anong pangalan mo?", Abby ang isasagot ko. Syempre, mas kumportable ako sa nickname ko.
Abigail yung tawag sakin pag galit, nangaasar o nakikiusap yung tao. Madalas nanay ko tumatawag sakin niyan. Saka yung bestfriend ko. Ewan ko bat parang enjoy na enjoy silang asarin ako.
Beng. Sa bahay, yan tawag sakin. Abengbeng pa nga. At nung elem days ko eh sanay din ako na ganyan tawag sakin sa school dahil guidance counselor si Nanay at naririnig nila na yun tawag sakin.
Anne. NO ONE CALLS ME ANNE. I'm happy with that. Di ko rin matetake pag may tumawag saking Anne, hindi ako lilingon.
Abiduds. Sa church nagstart. Nadala sa highschool ko. Wala lang, "dude" kasi ang tawagan namin sa church, kaya yan.
Bi. Close friends call me Bi. Feel ko tamad lang silang buohin yung Abby. Cool din naman. Saka nasanay na rin. Mahaba pa yung pagpronounce nila jan, "Biiiiiiiiii!"., ganun.
Ab. Meron din konti. College na yan eh, parang ganun din naman sila, tamad din buohin yung Abby. Hahaha. Minsan nga Ab-ab pa tawag nila sakin pag naglalambing sila.
.
.
.
.
.
So yun, ang dami kong sagot sa dalawang tanong. Pasensya na, therapy magpaliwanag eh. Hahaha. :)
No comments:
Post a Comment