Marami akong namimiss. Lahat sila gusto ko makita ngayon na.
Nakakainis lang kasi hindi pwede, busy sila, busy ako.
Pero I seriously miss them. Big time.
Si Johanna. Miss ko na 'to eh. I regret those times na hindi ko siya narereplyan at hindi ako nagrerespond pag nagyayaya siya ng lakad. Lagi niya kong sinasabihan na kuripot daw ako kasi hindi ako nagloload, dati natatawa lang ako, ngayon nakokonsensya na ko. I hHope I'll be able to see her after this sem ends. Huli ko siyang nakita, di ko na matandaan kung kelan.
Si Gia. Crap, it's been almost 2 years since I last saw her. Wala na akong balita. Though she's updating on Facebook, hindi ko pa siya naaabutan mag online. Miss ko na tong babaeng to. Pero seriously, hindi ko alam pano ko na siya kakausapin pag nagkita kami. It's been too long. It's hard to catch up sa mga taon na lumipas. :(
Si Seanice. :| Wala akong masabi sa kabusyhan neto. And I am saddened by the fact na mas nageenjoy na siya sa blockmates niya. Tanggap ko naman yun. I mean, that's normal, sila ba naman kasama mo araw-araw eh. Hirap lang i-digest na hindi siya nakasama sa huli naming lakad. The last time I saw her is nung pumunta akong UST, that was, July? Masyado siyang busy. At masakit yun para samin nila She at Maine. :|
Si Joyce. Sanay naman nako na every week lang talaga kami nagkikita. Pero crap, I am really trying to like the debate whatever kung san siya involved. I know she's happy when she debates. I don't even know (understand) why, but I know that she's really happy doing those motions and rebuttals. It makes me see her less. Less-er than before. Torture hindi makita ang bestfriend. TORTURE.
Selfish as it may seem.
Sorry, pero pinaiyak nila ko sa sobrang pagka-miss ko eh.
College really has a way of changing people's lives.
Change hurts. But I need to go with it's flow.
'Cause if not, I'll lose. :(
Maybe I'll get to see them soon.
I hope that soon would be sooner. :(
*I just had to pour out my sentiments. 'Cause if I don't, I'll burst. @_@
No comments:
Post a Comment