Monday, September 6, 2010

Bakit Psychology?

Gasgas na tanong para sa isang Psychology student na tulad ko.
Napakadami ko nang beses natanong. Pero siguro kahit naman ako eh di ko mapaliwanag kung bat ko kinuha ang Psych. Siguro dala ng pressure kasi enrollment na nun at kailangang may mailagay na course choice dun sa application form. Siguro kasi naging masyado akong practikal na binitawan ko yung pangarap kong maging script writer kasi sa Psych mas may nagaantay na trabaho para sakin. Siguro ganyan, ganito, ewan ko. Basta Psych ang kurso ko ngayon, at masaya ako.

Balik-tanaw.

Noong bata ako. Marami akong pangarap. Maging ganito, maging ganyan. Kung saan ako masaya, yun agad yung pinipili ko. Yun yung nakakamiss sa pagiging bata eh. Yung alam mo agad kung ano yung gusto mo, at wala kang pakialam kung maraming hadlang para maabot mo yun. Hindi mo maiisip kung malaki ba yung sweldo o kung mahihirapan ka ba sa subjects, walang laban ang mga "what ifs" sa pangarap ng isang bata. Kung anong gusto niya, yun ang gusto niya. At hindi mo siya mapipilit na ayawan yun dahil lang sa mga "circumstances". Nakakamiss, sana bata nalang ako ulit.

Noong kinder ako. Siguro 5 years old ako nun. Pangarap kong maging biker missionary. Kasi nung mga panahong yun, wala akong ibang gustong gawin kundi magbike. Dun ako masaya eh. Tapos tribal missionaries noon yung mga magulang ko. Syempre, natural tendency ng isang bata na ipicture yung sarili niya sa image ng parents niya, kaya ginusto ko ring maging katulad nila nung time na yun. Cool kasi eh, pag pareho kayo ng parents mo. Noon yun.

Noong elementary hanggang first year high school naman, pangarap kong maging Computer Scientist. Oh yeah, awesome dream. Hahaha. Favorite ko kasi computer subjects nun. Tapos feel na feel ko yung thrill ng programming. Feeling ko nga malapit nakong maging college nun, kasi natatandaan kong kinonsider ko na ang BS Computer Science at BS Computer Engineering nun as college courses. At nakikipag-usap nako sa ibang tao about college nung time na yun. Another natural tendency, pag bata gusto agad tumanda - pag matanda na gusto ulit bumata. Grabe, nakakatuwa lang na napaka-goal oriented kong tao noon. Sobrang interesado agad ako sa future ko. Pero naisip ko na baka kaya ganun ako dati, eh kasi yun yung panahon ng geek days ko. Chess, Spelling Bee, Student Council... yun ang buhay ko nun. Napaka-"tanda" ko kumpara sa ibang 12year old noon. Or napaka-boring siguro ang tamang term.

The rest of high school. Dito nagbago lahat. Lalo yata akong naging boring. Haha. But I knew what I really wanted. I wanted to write... and write... and write :) Sa high school life ko sa QCA, di na ako naging involved sa varsity at sa Student Council. Sobrang low profile ako dun. Ako yung taong makakalimutan mo agad after graduation. Naging passive ako sa school at paminsan-minsan nalang nagiging involved sa extra-co activities. 3rd year ako nung una akong pinang-laban sa Essay contest ng batch, fortunately, I won. Naging part din ako ng debate team na tumuloy hanggang senior year. Though I never really liked the debate thing, isa yun sa mga highlights ng highschool life ko. At cool din naman maging part ng debate team, geek-ish. Hahaha.

Basta ang alam ko nun, gusto ko maging Script Writer/ Journalist o kahit na anong may kinalaman sa writing for the media. Enjoy ko magsulat ah. Yung tipong pasulatin mo nalang ako kesa pag-Redox-in ng chemicals. Ganun, as in kung pwede magsulat nalang ako buong college, yun nalang sana eh. 

Pero malamang hindi Creative Writing o Journalism ang course ko ngayon. Malayo sa media. At malapit sa pagre-Redox ng chemicals. Though puro writing din naman dahil sa napaka-daming paper works :P At dagdag hirap dahil sa pagpapalit ng curriculum dahil sa na-approve na licensure exams. Pre-med/Pre-law nga din pala kami. Pero ako, wala akong pake sa med at law, kelangan ko lang maka-graduate, okay nako :P Pero bakit nga ba Psych?

Bakit? Pinili ko eh. May factor ang university na papasukan, pero ayokong sisihin yun sa mga naging desisyon ko. Kasi kung pipilitin ko naman yung gusto ko eh di sana nagMassComm ako. 

Practicality, yan ang rason ko. Gusto ko magsulat. Pero hindi na ako bata. Mahalaga na ang risks. Importante na ang mga circumstances. Hindi ko na pwedeng makuha ang gusto ko dahil lang sa gusto ko. Hindi na uubra yun, di na sakin umiikot ang mundo. Hindi na tulad nung mga panahong, ako ang sentro ng atensyon ng magulang at mga kamag-anak ko. Iba na. 17 na ako. Hindi na lang sarili ang dapat kong isipin, kasama na ang mga tao sa paligid ko. Kaya kahit gusto ko man mag CW o Journ, kailangan kong bitawan yun para sa mga mas mahahalagang bagay. Yung mga bagay na mas magtatagal.

Nag-Psych ako, kasi... tulad nga ng mga bata... 

GUSTO KONG MAGING KAPAKI-PAKINABANG SA PAMILYA KO PAG-GRADUATE KO. Magawa ko lang yun, masaya na ako. Mabayaran ko lang lahat ng utang kong load sa nanay ko, okay na ako. :)

At wala namang nagsabi na pag hindi kunektado sa pagsusulat ang major mo eh di mo na ito pwedeng gawin. Pwes, di man ako magiging Script Writer, magiging Psychologist/Writer ako. Mas masaya yata yun :)

PS.
Hindi madali ang Psych, nangangamatay na nga kami eh. :))



No comments:

Post a Comment