Saturday, September 18, 2010

Sabi nila...

...ang mga tao daw na nagbblog o nagjjournal ay mga tao na malungkot ang buhay, walang social life o walang mapagkwentuhan. Well, at some point, totoo naman yun. Pero syempre it does not apply to every situation. Haha.


Ako ay nagbblog dahil sa kadahilanang gusto kong mapreserve ang mga nangyayari sa buhay ko. Ang mga naiisip ko at ang mga random na pumapasok sa utak ko. Dahil maikli lang ang tinatagal ng memorya ko, especially sa mga bagay na sobrang sudden. Katulad ng mga quotable quotes na namumuo sa utak ko, ang interpretasyon ko sa mga kanta, at mga reaction ko sa mga bagay bagay na nangyayari sa ating lipunan. :)) Kaya ako nagbblog para may mapaglagyan ako ng mga random thoughts ng buhay ko. Bakit hindi ko na lang isulat sa journal o notebook? Tinatamad ako eh. Kaya dito nalang. :)


Yun ang main reason ko. Pero syempre minsan ang pagbblog ay paraan din upang matakasan ang brutal na mundo. Yung mundo na walang kumakausap sa'yo at yung mundo na wala kang mapagkwentuhan. Oo, madrama  kung madrama. Hahaha. Pero nakakatulong sa pagrerelease ng emosyon ang pagbblog. Lalo na pag hapit na hapit ang emosyon mo at dere-derecho ka lang sa pagtatype. Di mo namamalayang ang dami mo na palang nasabi na hindi mo masasabi kung may kaharap kang tao dahil naghahanap ka ng magandang salita para ilabas yung kung ano man ang nararamdaman mo. Benefit yun! HAHA. Tapos pwede mo rin burahin yung post pag nahimasmasan ka na. :))


At totoo na pag wala kang mapagkwentuhan eh effective 'to. Nakakapuno ng dibdib pag naipon ang isang major na kwento nang maraming araw bago mo malabas. Nakakatulng sa paglalabas ng impulse ang pagbblog. O para pasimplehin ang mga bagay... nakakatulong sa mga malungkot na tao na gustong magkwento pero walang mapagkwentuhan ang pagsusulat ng blog. HAHA.


Madaming dahilan kung bakit kinakausap ng mga tao ang internet. Minsan dahil malungkot, dahil masaya, o minsan wala lang talaga silang makausap. Minsan masarap din magsulat nang magsulat kahit alam mong walang nakakabasa. Mabasa man nila, keri lang, blog ko to eh. Ako bahala sa ilalagay ko dito. :)

No comments:

Post a Comment