Saturday, September 18, 2010

September 17, 2010.

This was the most stressful-EST day (so far) in my college life. It started when I decided to study for my Psych4 semis rather than to sleep. Mga 11pm kasi ng September 16 nagdecide akong matulog. Nagpalpitate kasi ako. Nagkape kasi ako (dalawang 3-in-1 sa isang mug, OO ADIK LANG.). Eh di ako nagdinner, so nung mga 9pm, bigla akong nanginig at nilamig kahit sobrang init naman. Dahil dun wala akong maintindihan sa binabasa ko. Sabaw. So kahit wala pa akong narereview masyado, pinilit kong matulog.


Hanggang ala-una pinipilit ko. Kaso mukhang malakas ang epekto nung kape talaga kaya hindi ako nakaidlip man lang. Dalawang oras akong nakadapa sa kama at nagiisip ng happy, sad, at kung anu-ano pang thoughts. :| Hanggang sa nagdecide akong magaral nalang. So, nagnotes ako and everything hanggang 5am. Tapos diko kinaya kaya nakatulog ako. 7am gumising nako for PE class, na nalate din ako pero okay lang dahil wala naman prof. Kaya nakiligo nalang ako sa school. Di kasi ako naliligo sa bahay pag may swimming class. Hahaha. So naligo lang ako sa school. Yeah, makapal ang mukha ko. Hahaha. Nagkataong wala ring class sa humanities. Mega review lang ang buong block ko dahil lahat kami ay kinakabahan sa semis ng Psych4. 


Nung nagtest na, nagulat kami na puro may choices lahat. At karamihan eh nasa dalawang lesson lang sa reviewer na 8 lessons with mega dami terms and everything. Hindi ko alam mafifeel ko dahil nakakadismayang i-notes lahat tapos ang lalabas eh wala pang 10 percent ng inaral mo. :| Madali yung test eh, nakakaBV lang talaga. Haha.


After ng Psych4, nagdecide kami ng groupmates ko sa History2 na pumunta ng Recto para magpaedit ng video. Grabe, hindi kami pumasok ng dalawang subject para lang dun. So, nagstart ang adventure... SOBRANG HAGGARD SA MANILA. Yung humidity ay kakaiba. Pakiramdam ko eh malapit nako sa core ng mundo at pwede na kaming kainin ng lupa at mapunta sa Hell. Sobrang init. :| At dahil hindi naman namin kabisado ang Morayta. Naikot namin ang University Belt nang dalawang beses. Para kaming nagfieldtrip sa UST, FEU, UE, Baste, Beda, CEU, UM, Mary Chilles College of Nursing, at kung ano pang meron dun. Grabe lang eh. 3pm na kami nakapaglunch. At ang video editing ay umabot ng 1,500 pesos. At! Naghintay kami dun hanggang 9pm. Wala na kaming tulog, wala pa kaming pahinga, wala na kaming pera, at gutom pa kami. GRABE LANG. Sa sobrang hilo ko LEGENDA na ang basa ko sa Legarda station ng LRT. Nakakatrauma ang Maynila.Kung di lang dahil sa requirement, di ako pupunta dun eh.


Nakauwi ako malapit nang mag10pm. At may pasok ako ng ChemLec/Lab, Histo2 at Philo bukas. :| Pero ako ay proud sa aking na-achieve. Walang normal na tao ang lalakarin ang Ubelt nang dalawang ikot. ISa ako sa mga tangang sumubok. Hahaha.


Okay, yun lang, babay. :))

No comments:

Post a Comment