Feel ko lang magtagalog. Masaya din minsan. :)
Nananadya nga naman ang tadhana.
Hindi pag-ibig ang topic dito kundi kinabukasan at pangarap.
Nakakabadtrip, nagkasakit ako. Ngayon pa, kung kelan ang daming ginagawa at gagawin. Kung kelan hindi pwede umabsent dahil naghahabol ako sa last reminders ng mga prof. Kung kelan madaming requirements at exams na kelangang pagtuunan ng lakas at payapang pagiisip.
Seryoso, naiimbyerna na ako sa sipon ko. Hindi na ako makahinga nang maayos. Nagjajacket ako kahit ang init init naman dahil sa kakaibang dahilan ay nilalamig ako kahit hindi naman ako nilalagnat. Pakiramdam ko tuloy nawiwirduhan mga tao sakin dahil sa ichura ko. Hindi ko naman pwede isigaw na, "MASAMA ANG PAKIRAMDAM KO KAYA AKO NAKAJACKET!" para lang maintindihan nila. Wala naman dapat talaga silang pakialam, kung meron man, siguro dahil mga usisero sila.
Nakakainis lang na ngayon pa nangyayari to kung kelan hell month na. Siguro epekto 'to ng hindi ko pagkain sa tamang oras at pagpapaulan dahil tinatamad akong maglabas ng payong. Sana, sana naman please, gumaling nako. Pero ngayon, matutulog na muna ako. Okey babay (Kbye).
:)
ReplyDeleteAte Rayn! :)
ReplyDelete