Friday, October 8, 2010

Ten.8.Ten.

Magtatagalog ulit ako. Wala lang, feel ko lang ulit.


Nagsimula ang October 8 ko kaninang madaling-araw. Sinasamahan ko kasi yung groupmate ko sa Filipino term paper sa Facebook. Tutal, wala naman akong nacontribute bukod sa pagbibigay ng Socio1 paper ko na sinulat ko last year (sem 1), naisip kong samahan nalang siya habang ginagawa niya yung paper. Feel ko naglolokohan nalang kami at nagpipilit tumawa dahil ako ay antok na, at siya ay obviously... nasstress na.


Nakakastress naman kasi talaga ang mga demands ngayong araw. Pasahan ng term paper sa Filipino at Personality Psychology. May long quiz na cover to cover din sa Psych. Tapos finals part one sa Literature. Di namin alam kung pano magkakasya ang oras namin para mapaghandaan yan. Sa paper palang, ubos na oras mo. Swertihan nalang kung makapagbasa ka ng Psych sa loob ng jeep habang papasok ng school.


Ang ending, Psych term paper lang ang nagawa ng mga tao. Wala nang review review. Kahit ano nalang ipasa sa Filipino. Magtake nalang ng exam kahit hindi alam mga isasagot. Nung una ang lungkot ko kasi feel ko ako lang ang ganun, yun pala lahat kami. Nagkita-kita pa kami sa printing/ring-binding shop dahil kung kelan 30 minutes before the deadline, dun palang kami naghahabol ng finishing touches. Di na bagong makakita ng tumatakbong kaklase palabas ng gate para magparing-bind. Kami na, kami na crammers.


Oh well, sanay nako. Hinahapit nila kami. Dahil may board exams na ang Psychology grads. Hindi ko alam kung magandang bagay ba yun. Pinagsiksikan nila mga subjects para madaming mapasok sa mga utak namin. 30 units ako next sem. Hindi ko yun kaya. Pero kaya ni God yun. Dun nalang ako aasa.


Nga pala, last day ng regular classes na bukas para sa sem na to. Yehey para dun. Namimiss ko na ang highschool, dati weekend ko na ang friday eh. Ngayon ang friday ay isang paghahanda para sa susunod na araw at sa mga susunod na klase. Teka, dapat hindi ko namimiss ang HS dahil di nako babalik dun kahit anong mangyari. Useless lang din. College nako, at yun na yun....


At matutulog nako. Goodnight.

No comments:

Post a Comment