December 17, 2010.
Part 1. 2PSY02 Christmas Party.
It was a very long day. Gumising ako ng 5am kasi dapat aattend ako ng DawnWatch (our church's version of the Simbang Gabi). Kaso nung nagpprepare nako ng mga gamit para sa block Christmas party/swimming, narealize kong ang dami ko palang dapat dalahin. Kaya sa kakaprepare, breakfast nalang naabutan ko sa DawnWatch. Haha.
Umalis akong bahay ng mga 6:30 kasi 7:00 am daw ang meeting time sa Jollibee E-rod. I was there ng mga 6:58. Yeah, natatandaan ko ang oras dahil ako ang unang dumating. :)) Tapos dumating na si Josh then si Yen. Bongga naka-school bus kami. HAHA. Operator kasi ng school bus yung Papa ni Yen kaya may taga-hatid at taga-sundo kami. :)) Naka-alis kami sa E-rod ng mga 8:00 am na.Then dumating sa Tandang Sora ng mga 9:00 yata.
We rented the place. Kami na mayaman at nakakapagrent ng private pool. HAHAHA CHOS. The place was quite small, but big enough to accommodate my block. Ang cool kase kami lang talaga yung nandun. So free. So comfortable. So clean. So good. :)))
At infairness, ang dami naming food. Pancit, Menudo, Grahams, Liempo, Tilapia, Grilled Chicken. Naubos ang oras ko kakaihaw ng liempo at manok. Pero it felt good na kinakain ng mga kaklase mo yung niluluto mmo, kaya kahit namamaga na ang mata ko sa usok ng ihawan, keri lang. :D Nagihaw ako mula mga 9:30 siguro hanggang 3pm. Haha! Grabeng umaapaw na pagkain naman kasi.
There were games, and stuff. Benta may program pa kami.. at opening prayer. :D The only thing that I didn't like was when some of my blockmates got drunk and we were like, "Shocks, anong gagawin natin?". Nakakastress kasi pag may hindi na okay sainyo, nakakadrain ng enjoyment at ng energy. Haha. Eh kasi naman, di ko alam ang components ng tiyan ng kaklase ko. :| Dalawang case ng Red Horse, 3 (or 2?) boxes ng Tanduay Ice. At naubos nila. Ang titibay ng sikmura. @_@ Basta ako okay sa Iced Tea habang nagiihaw. Hahaha.
Nagstay kami dun hanggang 6pm. Then uwian na. I enjoy every moment pag kasama ko block ko. Ewan ko, wala ng dull moments eh. Tatawa ka lang hanggang sumakit tiyan mo, tapos tatawa ka ulit. Sobrang feel good lang... kahit sobrang bigat ng load namin ngayong sem. Pati ngayon ko lang naexperience yung maging masaya parin sa school kahit wala nang mapaglagyan yung pagod ko. Kahit 9 days straight ko sila nakikita minsan, di parin ako nauumay sa mga pagmumukha nila. Naks. Hahaha!
Part 2. UST Paskuhan.
Nagtext si Patrick, classmate ko nung highschool. Nagyayaya magpaskuhan.Naisip ko na rin yun nung mga nakaraang araw, na pumunta nga sa Paskuhan. Kaso, wala namang nagyayaya sakin. Ang lungkot lang. HAHA ang dami kong churchmates na taga-ust pero wala talagang nagyaya sakin. Mga hmp sila. Hahaha! Kaya nung una, ayaw ko talaga. Kasi alam ko namang di ako makakakita ng kakilala dun. Sa dami ba naman ng tao, mahanap ko pa kaya mga friends ko? Haha. Pati di nga kasi nila ako niyaya kaya hesitant ako. Pero yun nga, buti nagyaya hs friends ko. Ayun, natuloy kami. :)
Kasama namin ni Pat si Ariza pati si Donna. Grabe, huli kong nakita yung dalawang yun Senior's ball pa, a day after ng graduation. Kumusta naman, ang lagpas isang taong di pagkikita pero walang ka-gap gap nung nagkita ulit? Hahaha! Nanibago sila sakin. Naka-shorts kasi ako. :| Pati ang daldal ko daw. Oo na, ako na laging naka-full pants at di masyado umiimik nung highschool. Sorry na. Hahaha.
Grabe lang ang UST na yan. Nattrauma na talaga ako. Okay, makapal naman kasi talaga ang mukha namin. Ni isa samin, walang nagaraal dun. TUA, FEU at SPQC kami. :))) Syempre wala kaming ID ng UST, malamang diba? HAHA. Ayun, bengga, ayaw kami papasukin. Buti nalang nakita ni Pat ang churchmates niya, ayun, naidamay kami sa pagpasok. Salamat sakanila. Naman kase eh, nasaan ang mga kaibigang taga-UST kung kelan namin sila kailangan? Charot.
Wala kaming agenda. Di namin alam ang gagawin namin nung nakapasok na kami. Ang daming tao. Nakaka-claustro. Haha. Yun ang fair na ang hirap huminga at walang fresh air. Hahaha. Kasi first time ko dun, kaya nastress ako. UP Fair ang lagi kong pinupuntahan, at sagana ang matatambayan dun at ang fresh air. Isang buong barangay ba naman ang cmapus eh. Haha. Ayun, so nakatayo lang kami sa mga booth nang may...
"Hoy, holdap to, wag kang kikilos."
AMP! Si Kuya Bri! :))) Sobrang saya ko talaga nung nakita ko sila ni Ate Gold. Nangungulila na kasi ako nun. Gusto ko kasi talaga makakita ng kakilala from church. Hahaha! Ang saya ko lang talaga dun, napaluhod pako sa tapat nung mukhang simbahan nilang building. :))) Di ko rin alam pano nila ko nahanap, basta, ang galing lang nila. :)) Super tambay lang kami dun, nakatayo lang, ang sakit sa legs. Hahaha. Fireworks lang naman talaga pinunta namin eh. Haha. Sa wendy's kami nagdinner at naupo sawakas. Bakit dun? Dun lang may upuan eh. :))) Pagsubok pa pala ang signal. Grabe lang. Narereceive ko ang msgs 2 hours after.
Sa totoo lang, wala naman talaga kaming napala. I mean, wala lang talaga kaming ginawa, bonding lang. Pero okay na sakin yun, yung maupo lang sa sahig at makipagkwentuhan sa HS sa matagal ko nang di nakita. Nakakamiss tuloy maging highschool. Dati kasi hindi mahirap maghanapan. Ngayon, kahit schoolmate ko si Pat, sobrang dalang ko lang siya nakikita. Kahit ang lapit lang ng U-belt sa Trinity, inabot nang lagpas isang taon bago nakita si Ariza at Donna. Haha. College... imba.
Nag-fireworks ng mga 11:30. Ayun, buti mga ganung oras sinundo ng Daddy niya si Ate Gold. Kaya umabot kami sa nagiisang bagay na napala namin sa UST, fireworks. :))) Mga 12 na kami umuwi. 12:30 ako nakarating ng bahay. Himalang di ako napagalitan. Tinanong pako kung kumusta daw fireworks. Hahaha. Benta lang eh. Tuwang tuwa talaga ako sa reply ng nanay ko nung nagpaalam akong magpaskuhan.
Ako: Nay, punta po akong Paskuhan. kasama ko po si Patrick. Mga 10 na po ako makauwi.
Nanay: Ok, uwi agad. Gagala ka nalang dala mo pa mga labahan mo sa swimming, makukulob yan, babaho.
HAHAHAHA talagang damit ko yung inisip niya. =)))
Ako: Hintayin nalang po namin Papa ni ate Gold, then uwi na po kami. Wag niyo napo ako hintayin. Tulog napo kayo. Hehe. Loveyou.
Nanay: Ok. Ingat.
WHAT?! INGAT LANG???? ANG SAYA KO LANG EH. Di ako bumengga! =))))))
Ayun, natapos ang araw nung natulog ako ng mga 1am. Ang saya ko po promise. Hahaha. Eto na ang hinihintay kong excitement ngayong Christmas vacation. Pinaghintay lang pala ako ni God ng mga onti pang araw. Hahaha. AYOS. :D
No comments:
Post a Comment