'Pag nagkaron ng emotional outburst ang isang tao, sana naman hindi siya i-judge agad. After all, emotional outburst nga yun eh. It is not programmed, nor wanted. Kahit gano ka ka-normal, o ka-rational, dadating ang time na hindi mo na rin kakayanin. At hindi mo pwede idikta sa sarili mo na manahimik nalang. Hindi naman porke nag-emotional ourburst siya eh ibang tao na siya. Siya pa rin naman yun. Nagkataon lang na bumigay na siya. Di na niya kinaya. Sana wag agad sila i-judge kasi tao lang din naman sila. Baka nakasakit lang sila kasi nasasaktan na rin sila. Baka hindi niyo lang alam yung pinagdadaanan niya kasi di naman kayo nagtatanong. Baka masyado niyo lang tinitignan yung ginawa niya kaya pati kayo naaapektuhan. Sana naman hindi laging ganun. Mali na kung mali sila, pero sa dulo ng lahat isa lang din naman ang hinahanap nila... taong makakaintindi sakanila.
Wala lang, random. Hay.
No comments:
Post a Comment