Nakakapagtakang isipin na kung sino pa yung hindi ko ka-close, siya pa yung nakapagpa-ramdam sa akin na merong nakakaintindi. Wirdo kung iisipin kasi sa dinami-dami ng sumubok na iparamdam sakin na mahalaga ako, sa taong hindi pa malapit sakin ako naniwala.
Naisip ko, na baka kaya iniiwasan ko ang mga advice ng mga kaibigan ko dahil ayokong masaktan nila ako. Kapag galing kasi sakanila, masakit eh, sobra. The same thing kapag inutusan ka ng nanay mo, maiinis ka. Pero pag kaibigan mo ang nag-utos, okay lang.
Napaka-ironic isipin na napakadalas mainis ng tao sa mga taong mahal nila. Pero kung tutuusin, yung mga mismong kinaiinisan nila yung mga taong sobrang mahal nila. Kung gaano naaasar ang isang anak sa nanay niya kapag lagi siyang inuutusan, ganun din yung intensity ng pagmamahal niya sa nanay niya. Kapag inuutusan siya, "Mama naman eh, pwede namang si ano nalang eh!". Pero kapag nagbakasyon ang nanay niya, "Ano ba 'to. Namimiss ko na si Mama. Kahit grabe siya makapang-utos.".
Napaka-ironic ng buhay. Hindi natin nakikita hanggat hindi nawawala. Marami tayong binibigay, tapos hindi naman pala kailangan. Nakakapagpasaya ako, pero ako mismo malungkot. Inaaway mo, pero mahal mo. Naiinis ka, pero ayaw mong mawala. Napipikon ka, pero kinikilig ka.
Siguro kung may bagay na gusto ituro ang Diyos sa akin gamit ang irony. Ito yung hindi kelangang literal lahat ng bagay para maintindihan natin. Hindi kelangang laging aayon ang mga bagay sa mga gusto natin. Minsan, kelangan talagang masaktan para matauhan. Kelangan talagang may mawala, para matutong may pahalagahan. Kelangang mapasama, para makita yung mabuti. Oo, masakit ang proseso. Nakakabobo kung tutuusin. Kung nangangapa ka, mababaliw ka sa kakahula kung ano nga ba ang plano ng Diyos.
Pero sa dulo, kung close talaga kayo, magegets mo. Kahit hindi ayon sa inaasahan mong output ang ipapakita niyang paliwanag, maiintindihan mo. Kahit hindi galing sa taong inaasahan mo, makikinig ka. Kahit hindi nabigay ng mga kaibigan mo ang sagot na hinihintay mo, mamahalin mo parin sila. At kahit ang sakit sakit na, makikinig ka.
:)
No comments:
Post a Comment