Sunday, March 13, 2011

2 WEEKS.

Malapit na matapos ang barubal na sem na ito. Isang paper work nalang, sandamakmak na quiz, at finals na lang ang gagapangin ko. Sana okay naman ang mga magiging grades ko. Kinakabahan ako, delikado talaga ang class standing ko ngayong sem. Ang hirap hirap ng subjects ko tapos ewan ko ba, kahit anong bawi gusto kong gawin, di ko magawa. Hindi naman ako nageexpect ng matataas na grades, kasi alam kong mahirap talaga, sana lang hindi ganun kababa. Sana hindi nakakahiya. Haha.


Magbbirthday na rin pala ako ngayong buwan. Pero hindi ko maramdaman, masyado akong maraming ginagawa at iniisip para isipin ang gagawin ko sa birthday ko. Bahala na. 2 weeks nalang. :)

No comments:

Post a Comment