Saturday, March 26, 2011

BIRTHDAY 2011. OZM. :)

March 24, 18th birthday. \m/ :) Well, a lot happened. I could still remember every detail of it but this post will be too long if I'll make this a detailed kwento, pero feel ko this will be mahaba pa rin naman kahit di detailed masyado. Yuck, conyo. HAHAHA. So ganto... bullets nalang. :))


  • My birthday started with an NBA game. Yes, an NBA game. Haha. Mahilig kasi ako maglaro nun sa coomputer. Cause I can't sa real life. :)) Habang naglalaro ako, biglang pumasok yung nanay ko. Di ko tuloy na-shoot yung bola! Hahaha! Ayun, bigla siyang kumanta ng Birthday song, so yun, OZM, birthday ko na nga. 18 bebe, omaygash.
  • I checked my phone, may dalawang nagtext. Si Seanice at Joyce. Juskodayers, ga-nobela mga text nila. Okay lang, bestfriends naman. :) I checked my Facebook account, infairness may mga bumati sakin. Dahil sa facebook, di na nageeffort mga taong magtext. Sucks. Arte ko. Hahaha!
  • Natulog nako ng 2am kasi inaantok nako. Justifiable naman ang reason diba? :))
  • I woke at 9am, maaha siya infairness. Akala ko kasi 12nn nako magigising. Buong araw akong aligaga kakaisip kung pano ako makakapagaral dahil may removal pako sa Physics at Bio Psych exam kinabukasan. Sabaw. Haha.
  • Mga 2pm, naalala kong may film analysis pa pala akong hindi nagagawa. Sobrang omaygash talaga. So nagstart akong gumawa, hindi pako nakaka-dalawang paragraphs, dumating na friends ko. So malamang sa malamang, di ko siya natapos. Haha.
  • Funny, na-OP ako sa sarili naming bahay. :| Hahaha. Siguro dahil sa stress sa mga kelangan gawin, mabilis akong mairita. Eh ang saya saya ng mga bisita ko at hindi ako maka-relate, so na-OP ako. Tapos sabi nila mga hindi daw sila magpapagabi at malapit na daw sila umuwi. So medyo mas nabadtrip pako. 
  • Kumain kami ng isaw. HAHA. Yun na. :)))
  • Tapos itong si Joyce, nagyaya mag-bike. Nakakastress drilon ang pagyayaya niyang magbike. Pero sige na lang. Hahaha. Naglakad kami sa subdivision nang medyo matagal. Medyo gusto ko yung part na yun kasi nakakapagsalita ako, at wala masyadong tao. Peace. Serenity. Whatever, Abby. Haha.
  • Pagbalik namin, nakasalubong namin si Kuya Bri, at niyaya namin siyang maglakad ulit para bumili ng coke. Ang sarap ng coke, lalo na pag tinutungga lang, yung 1.5 ah. OZM ulit. Haha.
  • Pag-uwi namin, nagyayasi Kuya manuod ng My Valentine Girls. SABAW. :)))) Pero di pa kami nakakatagal manuod, nagtawag bigla si Sarah. May aayusin daw sa 2nd floor.
  • Tapos wirdo talaga, magpapaiwan dapat ako sa bahay ni Kuya Bri pero ang kulit, namimilit talaga sila. Yun na, medyo gets ko nang may gagawin sila. Eh sobrang ayoko ng surprise. Ewan ko ba, kinakabahan lang talaga ako pag may surprise. Ayoko yung fact na alam kong may naghihintay sakin dun sa pupuntahan ko. Sanay kasi akong ako yung naghihintay. Ayoko din yung titignan nila ako nang sabay sabay. Kinakabahan ako sa ganun, ang uneasy lang sa feeling. So yun, medyo, ay sobra pala akong nag-inarte.
  • Ayoko talagang pumasok. Naiiyak nako sa sobrang kulit nila. Ay, umiyak pala talaga ako. Nasigawan ko pa nga yung iba. Sorry naman. :))
  • Ayun, medyo matagal akong nageemote dun sa labas ng pinto. Tapos nung kalmado na ko (naks, kalmado hahaha) pumasok na ko na casual lang. Ayoko kasi yung, "Pasok ka, pasok ka..." sabay lahat sila titingin sakin pagpasok ko. Omaygash, horror yun. Ayoko lang na tinitignan ako masyado. :| Haha.
  • Pagpasok ko, ayun, safe. Wew. Haha. Ayoko na idetalye 'tong part na 'to. :) Basta sobrang thankful ako sa celgroupmates ko, kay Joyce na nabulyawan ko, kay Kuya Bri kahit nasigawan ko siya ng "Ang kulit niyo, ayoko nga ng tao eh!" haha, kay Melchor, Kuya Marlon, Larjay, Hannah at Kuya CJ. Kahit sabi niyo uuwi na kayo dahil may mga gagawin kayo at bawal pagabi. Nakakainis, niloko niyo ko.  Ang kulit ng "debut" na yun. Kabog ang tunay na debut! HAHA! Thanks din sa prayers niyo! :)
  • After nun, paguwi ko ng bahay, dumating naman mga kamaganak ko sa father's side. OZM part 3. Haha. Ang saya lang kasi ang daming pumunta. Di kasi ako sanay na ganun. Last year nga, hisghschool friends ko lang pumunta eh masaya nako. Ngayon pa kayang blockbuster sila. Ang cool pa kasi pumunta yung mga peyborit kong tao. Dami ding bumati. Thank you. :)
  • AFTERMATH: Hindi ako nakapagaral. HAHA. Pero suprisingly, di ako nasurprise sa mga exams ko kinabukasan. They were... tolerable. Haha! And thank you din sa blockmates ko na kinantahan ako ng Birthday song sa may catwalk ng Trinity sabay abot sakin ng 18 na dahon, may bumebeso pa bawat abot. Hahaha. Inulit pa nila after mga 5 minutes at 18 pebbles naman ang inabot this time. Sobrang simple at wirdo pero sobrang thank you! :))
  • POST-AFTERMATH: Masaya. :) Thank you Lord, OZM part 4 ka! \m/
Coolest birthday cake ever. Say whuuuut. \m/


1 comment: