Anyway, naging comfort zone ko ang school dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Parang minsan ayoko nang umuwi, kasi masasabon lang ako. :( Ang hirap sa pakiramdam na sa bahay ka pa nadidisturb. (Hindi sa bahay as in bahay... basta hirap iexplain hehe) Kaya tuwing nasa school ako, nagttransform ako. Ang saya saya ko. Tawa nang tawa, basta ayokong may makahalata na di ako okay kasi ayokong dalhin sa school yung problema ko. Gusto ko sa school, acads lang problema ko, yun lang. Nothing more, nothing less. I think nagsucceed naman ako sa part na yun. Galing ko eh. HAHA.
Then, kanina lang, umattend ako ng TCF-IVCF fellowship for the 2nd time. Ewan ko ba kung bakit hinihila ako ng org na 'to, na kahit may class ako, dumaan ako saglit para makipag-fellowship. Siguro ganun ka-desperate yung need ko for a fellowship. I enjoyed my time there, kahit wala pang one hour yun, feeling ko napuno ulit ako ni God. Alam kong may empty spots pa rin pero nararamdaman kong unti-unti niya akong pinupuno. Alam kong Christians are filled to be emptied again, pero sbrang naeenjoy ko yung feeling na nararamdaman ko si God kahit empty ako. :')
I think there is something sa group na 'to na talagang kino-call ako ni God para maging part. Astig lang kasi I never had hesitations. Kahit magisa lang ako from my block at wala akong friend talaga na kasama sa group, pumunta pa rin ako. Medyo nagulat din ako sa sarili ko kasi I never do that. Sobrang tagal ng adjustment period ko, pero sa TCF parang automatic lumalakad paa ko papuntang fellowship room. Sobrang amazing lang, feeling ko hinahatak talaga ako ni God kasi alam niyang kailangan ko 'to. He proved me right, kailangan ko talaga 'to. :) At hindi pa dun natapos...
Yung malupit dun eh naging
Then I was informed na appointed pala yung leaders dun sa mga posisyon. Dun ako nadurog. Durog na durog. Oo, OA na pagkadurog. Ang sarap sa pakiramdam na alam mo na gusto kang gamitin ni God. Again, I had no hesitations. I know it was God who called me. It was not just a mere position assigned to me, but I know that God is preparing me for something big. Something na siguro hindi ko pa maiintindihan ngayon, pero alam kong Siya yung nagpaplano nito para sakin as well sa buong TCF. :)
Ang gaan sa pakiramdam, siguro kasi si God talaga yung naglagay sakanila sa buhay ko para pag nafifeel ko na namang fail ako, may mga schoolmates na rin akong mag-g-guide sakin. Na hindi ko na kailangan maghintay ng weekend para sa Friday YPW's namin sa church. I just feel so blessed na si God yung gumagawa ng paraan para maging okay ako. Sobrang love niya
Ngayon, alam ko, na hindi lang puro acads ang saysay ng magiging dalawang huling taon ko sa Trinity... kung makakagraduate ako sa tamang oras. ;)
No comments:
Post a Comment