Friday, July 22, 2011

Hindi sa lahat ng pagkakataon kumportable ang pagmamahal. Normal naman yun. Wala namang sinabi sa 1 Corinthians 13 na "Love is only love when it's comfortable." Madalas pa nga, hindi ito kumportable. 


Minsan masakit, nakakainip, nakakabobo, sayang. Pero hindi naman porke hindi na masaya ang pakiramdam eh hindi na siya matuturing na pagmamahal. 


At please lang, huwag tayong magsisi na "minahal" natin ang isang tao. Walang pumilit satin. Pinili natin yun para sa sarili natin. Kung hindi man tayo nasisiyahan ngayon eh baka dahil pumili tayo ng bagay na hindi muna natin tinignang mabuti bago natin hinawakan. Baka natuwa lang tayo nung naisip natin na "uy nandyan siya lagi para sakin, baka siya na, sige na nga subukan ko na". Ayun, nahulog ka, di ka naman pala sasaluhin. Syempre masakit mahulog, Kahit kelan hindi naging kumportable mahulog. Pero wala namang tumulak satin. Tayo mismo nagpakahulog. 


Ang pagmamahal ay hindi laging kumportable. 


Madalas, sa labas ng "comfort zone" pa natin nakikita kung gano 'to kapeke o kung gano 'to katindi.  

No comments:

Post a Comment