Saturday, September 10, 2011

PAANO NGA KAYA?

Minsan napapaisip ko kung nangyayari nga ba lahat ng 'to. I mean, yung buhay. Kung totoo ba ko... totoo ka ba... totoo ba tayo... totoo ba lahat ng 'to? 


Kahit pano may natututunan rin ako sa Zoology bukod sa konsepto ng tao at hayop.


Kung pano niya nagawang ganun ka-detalyado ang mga parte ng katawan natin. Kung pano tayo nananatiling buhay gamit yung mga parteng yun. Kung bakit apat ang chamber ng puso. Kung bakit kelangan magexist ng tricuspid at biscuspid valve kahit hindi naman sila masyado napapansin ng mga tao. Kung panong 7000liters ng dugo ang napa-pump ng puso sa loob ng isang araw. Mga ganyang bagay ba.


Pwedeng sabihin ng iba na nasasagot ng siyensya ang lahat. Na sa lahat ng subjective reasoning ng tao, may mapantatapat silang objective at retional explanation. Ewan ko lang ah, tatlong taon nakong under ng isang science course pero marami parin akong tanong na hindi nasasagot. Siguro kasi may mga bagay talagang hindi kayang sagutin ng tao. May mga bagay na talagang hindi kayang abutin ng "katalinuhan" natin. Hindi lahat ng bagay kailangan nating maintindihan. May mga bagay kasing dapat paniwalaan na lang. Bakit nangyayari? Aba malay ko, basta naniniwala akong may rason. Kung ano man yun... alam ko, at sigurado ako, swabe yun.


Masyadong complex. Ang gulo. Surreal.


Asdfghjkl. Ang dami ko pang pwedeng sabihin... Pero ewan ko. Ang galing lang talaga Niya. At kahit kelan hindi ako maniniwalang galing ako sa bacteria, sa unggoy,  sa abiogenesis at sa kahit ano pang teorya na sinasabi ng mga tao sa paligid. Galing ako sa Kanya. Dahil sa Kanya, naging totoo lahat ng 'to. Ewan ko ba, overwhelmed lang talaga ako. 


...Baka kasi nananaginip lang ako... Masyado kasing maganda lahat para maging totoo. 

No comments:

Post a Comment