Sunday, February 5, 2012

SURREAL, AGAIN.

Last week was our university's Foundation Week. It was fun. No classes, puro events. The highlight was..*drumroll haha* I got to bond with my best-est highschool friends for 2 consecutive days. Yay!! :)


Di ako friendly nung HS. Di nga ako masyado nagsasalita or nagkkwento. And itong dalawa kong friends ay mas naging ka-close ko lang nung college na kami. Yung isa naging kaclose ko dahil sa effort niyang pumuntang Trinity at magcut ng klase sa UST everytime na may kwento siya. Yung isa naman naging kaclose ko dahil bukod sa naging seatmate ko siya nung HS, magka-org din kami ngayong college.


And ayun, last Thursday may Battle of the Bands sa school. Dapat lalabas na kami nung HS friend/ka-org ko nun pati yung isa pa naming friend na ka-org ko rin kaso di natuloy kasi prod team si isa pa naming friend sa Battle kaya nag-resched kami ng Friday. So ang nangyari eh pinapunta ko pa rin si UST HS friend para manuod nalang kami ng Battle. And yun, nung nanunuod na kami, pinakilala namin siya dun sa isa pa naming friend na ka-org na prod team nun. At! Bigla niyang gusto niyang isama si isa pang friend na ka-org magdinner. So kahit super mega gutom at nalipasan na kami, hinintay namin si isa pang friend na ka-org na matapos yung prod/event. First time kong umuwi ng madaling araw nun. Infairness, masaya maghintay at kumain at umuwi nang late with friends. :))


Friday!! Natuloy yung lakad namin ni HS friend/ka-org at ni isa pang friend na ka-org.. at bonus pa, kasama ulit namin si UST HS friend at yung isa niyang Eng'g UST friend. Sobrang surreal. Hanggang ngayon di ako makapaniwala na nangyari nga yun. Sobrang lumiit yung mundo. First time ko ma-meet si Eng'g UST friend at first time din nila magmeet ni isa pang friend na ka-org. Infairness, ang saya lang namin. Di obvious na first time namin lumabas magkakasama. Anyway, friends friends din. :))) Hirap nang walang kasabay maglakad ah. I feel so friendless. Hahaha.


Bonus yung bonding na yun sa sobrang stress at sleepless nights ko nitong past week. Sobrang cool talaga ni Lord, gagawa at gagawa talaga siya ng paraan para maka-feel tayo ng joy. So to sum up my week, eto ako..


'She is still herself, maybe just a little sadder and somewhat quieter than before. 
But that’s alright.' :)


(Lower center picture L-R) UST HS friend; Eng'g UST friend; HS friend/ka-org; Isa pa naming friend na ka-org :)

Sorry sa friend terms, don't want to name-drop eh. :)) Hell weeks na ahead! -_-



No comments:

Post a Comment