Parang gitarang 'di matono-tono
Parang kilometrong 'di matakbo-takbo
Parang damdaming 'di matuto-tuto
Pinipilit ko...
Parang ugat na 'di maputol-putol
Parang pader na 'di matinag-tinag
Parang tulang 'di matapos-tapos
Pinipilit ko...
Pinipilit kong humabol patungo sa landas mo
Pinipilit kong baguhin ang tibok ng puso mo
Pinipilit ko...
Parang lubid na 'di mapatid-patid
Parang dagat na 'di matawid-tawid
Parang linyang 'di mabatid-batid
Pinipilit ko...
Parang unas na 'di matapos-tapos
Parang ulang walang tigil ang pagbuhos
Parang luhang walang humpay ang agos
Pinipilit kong sumabay sa'yo...
Pinipilit kong humabol patungo sa landas mo
Pinipilit kong baguhin ang tibok ng puso mo
Pinipilit ko...
Ang mga bituin ako'y pinapasuko
Mga baraha ko'y parang tadhanang gumuguho
"Wag nang ipilit ang 'di para sa'yo"
Yan ang sabi.. Pero.. Pinipilit ko...
Parang landas na walang patutunguhan
Parang sanggol na 'di mapatahan
Parang musmos na walang tahanan
Pinipilit kong.. umuwi sa'yo.
Pinipilit kong umayon ang mga tala sa hiling ko,
Ngunit sinisigaw nito na ako'y di para 'sayo.
-------------------------------------------------------------------------------------
(AACPadrelanan , 2012)
galing galing!
ReplyDelete