Hindi ko alam. Hindi naman ako magaling. Hindi rin ako yung tipong hahangaan mo. Hindi ako angat sa iba. Hindi ako sigurado sa maraming bagay. At higit sa lahat, tulad ng lahat ng tao, hindi ako perpekto. Normal akong tao. Sakto lang. Simple lang. Wala akong honor. Hindi nakaka-wow yung grades ko. Nagkakamali. Pumapalya. Sumasabit. Pero sumusubok ulit. Bumabangon. Rumaraos. Ngumingiti. Umuusad.
Sa kahit sino naman siguro, ang
pag-graduate sa kolehiyo ay isa sa mga karanasang hindi mo maitatapon buong
buhay mo. Habambuhay mong matatandaan, ngingitian, at babalikan. Habambuhay
magiging parte ng kung sino ka man.
Proud ako sa sarili ko. Ngayon
lang ako nagging ganito ka-proud sa sarili ko. Lumaki akong nasa anino ng ibang
tao. Anak ni Pastor. Anak ni Teacher Gem.. anak ng Magna Cum Laude. Apo ng
nurse at artist, ng teacher at lawyer. Laging may kakabit na expectation sa
pangalan ko. Dapat ganito, dapat ganun. Dapat mabait ka. Dapat lagi kang
gumagawa ng mabuti. Bawal magkamali. ‘Wag mong ipapahiya mga magulang mo. Proud
ako sa sarili ko kasi itong paggraduate ko, pangalan ko ‘to. Yung naka-lagay sa
diploma, Abigail Anne Cerdinio Padrelanan, pangalan ko yun eh. Ako yun eh. Proud ako na sa wakas, may nagawa ako para sa
sarili ko. May napatunayan ako. Lahat ng papers na nagawa ko. Lahat ng projects
na naipasa ko. Lahat ng theoretical framework na sinulat ko ko. Lahat ng papel
na naubos ko sa practicum at thesis. Lahat ng eyebags na pinagpuyatan ko.. May
narating. Kaya ko pala. Nakaya ko.
Proud ako sa magulang ko. Para
sakanila ‘to. Mahirap magpaaral ng anak sa kolehiyo. Mahirap ipagpaliban ang
mga sariling luho at gusto sa buhay para lang masuportahan ang edukasyon ng
anak nila. Proud ako sakanila kasi ginawa
nila, kahit mahirap. Kahit minsan kapos. Kahit kakainin na lang nila,
isusubo pa nila sakin. Kahit nakakatamad na siguro minsan, ginawa pa rin nila.
Proud ako sakanila, hindi dahil anak nila ko.. Kung hindi dahil ginawa at
ginagawa nila ang lahat para sa’kin kahit ganito ako. Proud ako kasi sobrang
galing nilang magmahal. Proud ako kasi mahal ko sila.
Proud ako sa mga kamag-anak ko.
Sa mga lolo kong alam kong proud na proud sakin kahit maaga silang umalis dito
sa mundo. Sa mga lola kong love na love ako. Sa mga tita kong tumanda na with
cats and dogs kaka-alaga sakin. Sa mga pinsan kong, lagi akong inaasar pero
binilhan ako ng underwear sa 7-eleven kahit awkward kasi lalaki siya. Sa lahat
ng relatives ko na forever sumuporta sakin, salamat. Proud akong ka-dugo ko
kayo. Sana proud din kayo na ka-dugo niyo ko. Hehe
Proud ako sa batchmates ko.
Lalong-lalo na sa mga kaklase at mga kaibigan ko sa Psych at sa MassComm. Sige
na nga pati na rin sa ComSci (Larjay hihi) at sa Nursing (Patrick hihi). Proud
ako na walang bumitaw satin. Sama-sama nating tinapos yung parte na’to ng mga
buhay natin. Oo, may mga dumating at umalis, pero kahit kelan hindi ko naramdamang
nawala. Proud ako na pinaninindigan natin yung pilosopiya ng school natin, naging
person for others tayo. Aware man tayo o hindi, counted pa rin yun. Hindi ako
magda-drama at sasabihin mamimiss ko kayo o hindi ko kayo makakalimutan dahil
alam naman natin na sa huli, tayo-tayo pa rin ang magkikita-kita at magku-kwentuhan
‘pag buryong na tayo sa bahay o ‘pag na-promote tayo sa trabaho o pag may
nag-asawa na o kaya ‘pag may nagdrama dahil sa pag-ibig. Alam niyo na yan.
Proud ako sa’tin.
Proud din ako sa mga kaibigan ko
sa church, nung elementary, nung highschool, at kung san-san man sa earth.
Proud ako kasi di niyo ko iniwan. Aba, medyo mahirap yun ah knowing na medyo
mahirap akong kalikutin at tiyagain na tao. Aylabyu mga kapatid. Wala man akong
biological sistarr at bwudarr, andiyan naman kayo. Di lang sapat, sobra pa.
Syempre save the best for last…
Proud ako sa God ko. Kasi awesome siya. Kasi magaling siya. Kasi malupit siya. Cliché
man kung cliché pero ganun talaga eh. Papalalimin mo pa ba ang isang bagay na
okay na in its own sense? Proud ako na isang God tulad ni God ang
pinaniniwalaan ko at ang sinasandalan ko. Alam niya lahat ng nangyari sa
nakalipas na apat na taon at sa nakalipas na dalawampung taon ng buhay ko. Alam
niya kelan ako masaya. Kelan ako malungkot. Kelan ako excited. Kelan ako
tinatamad magreact. Wala akong maitatago sa God na’to at alam ko na kung may
pinaka-proud sakin ngayon.. Siya yun. Siguro natutuwa siya na sa wakas, naniwala
akong kaya ko kaya andito nako ngayon.. kung san man ‘to.. di ko alam.. pero
siguro akong masaya ‘tong lugar na’to. J
At ayun nga, tinatamad nakong
magisip ng sariling ending sa post na ‘to kaya gagayahin ko nalang sila. Hindi
pagtatapos ang graduation kundi pagsisimula.. ng ano? Aba ewan ko.. Sabi ko
nga, hindi ako sigurado sa maraming bagay. Pero ngayon, sigurado ako, na kung
ano man ang pagsisimulang yun… ahihi promise.. aalamin ko.
Ok bye mwahugs see you later
peeps byers pakiss :* >:D<
P.S Nag-tagalog nga pala ako kasi
sa industriyang papasukin ko kapag nagtrabaho nako, sigurado akong hindi ko na
magagamit yung tagalog. Masyado na kasing distorted ang mindset ng mga Pilipino.
Pabihag sa Westernized culture. Masyadong pa-cool. Pag English daw kasi cool.
Eh cool din kaya yung tagalong duh-ers hahahaha sabagay ako rin minsan pa-cool
hahahaha tama na nga okey babay
No comments:
Post a Comment