Saturday, September 25, 2010

Sampal.

Abigail Anne... Please naman, wag mong idahilan ang pagod para di mo maramdaman ang rest na kayang ibigay ni God. Anjan lang naman Siya eh. Ikaw tong umiiwas. Ang arte mo kasi. Akala mo makakapagpahinga ka sa ginagawa mong yan? Pinapagod mo ang sarili mong magisip at sumubok gumawa ng paraan para sumaya ka. Eh hindi naman dapat ganun. Alam ni God ginagawa niya. Kung napapagod ka, magpahinga ka. Kung stressed ka, magpayakap ka. Kung alam mong wala nang ibang tatakbuhan, ibaba mo na pride mo please, tumakbo ka kay God. Nahihiya ka pa kasi eh. Lalayo-layo ka, tas mahihiya-hiya kang bumalik. Umayos ka nga. Napipikon na ako. Baka hindi na kita matiis. Nakakapagod ka na minsan eh. 


Alam mo yung matutulog ka nang late hindi dahil sa nagaaral ka kundi dahil nagmumuni-muni ka hanggang alas-dos,  kung ano-anong iniisip mo na hindi naman dapat isipin. Alam mo na ngang maaga ka pa bukas, hindi ka pa rin matutulog nang maaga. Tapos sisisihin mo ang puyat kung bakit ka sabog sa susunod na araw. Sisisihin mo yung pagod kaya ka nakatulala buong araw. Pati ibang tao nasstress sayo eh. Oo, wala ka ngang ginagawa sa kanila, pero yung makita ka pa lang nilang parang lantay gulay eh pati sila nadadamay sa stress mo. Huy, Kristyano ka diba? Nasayo yung Holy Spirit, wag mo naman hayaan na yung pagod, stressed at bangag na Abigail yung makita nila. Living testimony ka dapat ni God eh, sa ginagawa mo, baka hindi si God ang makita nila, kundi isang hopeless na tao. 


Hindi na maganda yang ginagawa mong puro ka feeding eh. Baka sumakit na tiyan mo kaka-intake ng spiritual food. Magbahagi ka naman o. Oo, may cellgroup ka na pero di naman dun tumitigil lahat. Saka, dapat maging example ka rin sa mga hinahakawan mo. Baka imbis na maging example ka eh, madisappoint pa sila sayo. Saka anuba, mag-quiet time ka nga. ang dami daming Bible sa bahay niyo eh, di yan kusang bubukas para sayo. Kelangan mong kunin yan at buksan para sa sarili mo. Privilege na nandyan lang lagi ang resources mo, tapos binabalewala mo lang. Hindi routine ang buhay, Abigail. Spiritual walk yan. Dapat may nagbabago sayo bawat araw. Wag kang magstagnate, sa dulo ikaw rin ang lugi. 


Sorry kung harsh ako, pero please, umayos ka na.


.
.
.
.
.


Nagaalala,
Abigail Anne.


-------------


Minsan pala, epektibo ang pagkausap sa sarili.

No comments:

Post a Comment