Sunday, September 26, 2010

Sabi ko nga, eh.

Huy, okay ka lang ba?
.
Okay lang naman. Sakto lang.
.
Sinong niloloko mo?
.
Ha? Anong ibig mong sabihin?
.
Magsisinungaling ka na lang, sakin pa?
.
Eh alam mo naman pala eh, bat nagtatanong ka pa?
.
Gusto ko kasing sayo galing. Gusto ko aminin mo.
.
Na ano? Na hindi ako okay? Para ano? Para kaawaan mo ko?
.
At bakit naman ako maaawa sayo? Hindi ka nakakaawa, nakakainis ka.
.
O, ano na naman ginawa ko? Palibahasa puro yan na lang nakikita mo. Puro yung kapalpakan ko.
.
Palibhasa, masyado kang pahalata.
.
Pahalata? Pinipilit ko namang magmukhang masaya ah?
.
Yun na nga eh, sa kakapilit mo, yung kabaliktaran yung nakikita.
.
Hindi ko na alam.
.
Alam mo eh.
.
Hindi nga eh, bakit ba mas marunong ka pa sakin?
.
Eh kasi kilala kita.
.
Teka, sino ka ba?
.
Ako ikaw.
.
Ano? Ayusin mo nga sagot mo, hindi nakakatuwa.
.
Ako ay ikaw. Ako yung ikaw na hindi mo ginagamit. Ako yung ikaw na ginagamit yung isip. Ako yung ikaw nung alam mo pa kung kanino ka kakapit. Ako yung ikaw nung hindi ka pa nagbibingi-bingihan.
.
Hindi...ko...maintindihan.
.
Yan ka na naman eh. Kunwari hindi mo na naman maintindihan. Alam mo, kahit ipaliwanag ko pa sayo nang buong-buo, hindi mo parin magegets eh. Alam mo bakit? Kasi hindi ka nakikinig. Papasok sa isang tenga, lalabas sa kabila. Ang tanong... sa ginagawa mo, masaya ka ba?
.
Ah...eh...hindi.
.
Nakikita mo ba kung gaano na kadami ang nasayang mong oras sa kakainarte mo?
.
...
.
Alam mo naman na alam ng Diyos ginagawa niya diba? Alam mo na sa lahat ng ginagawa niya, may purpose siya, may dahilan.
.
Uhh.. nagtanong naman ako.
.
Pero hindi mo pa rin maintindihan? 
.
Oo.
.
Alam mo bakit?
.
Ewan ko.
.
Kasi puro sarili mo iniisip mo. Na laging ikaw ang nawalan. Ikaw ang pinagkaitan. Ikaw ang kinuhanan. Ikaw na lang lagi eh. Wala ka na bang ibang pwedeng isipin kundi sarili mo?
.
Ha? Hindi na talaga kita maintindihan.
.
Yan, dadaanin mo na naman ako sa ganyan. Magpapanggap ka na naman na clueless ka, na nalilito ka, na ikaw na naman ang kelangan pag-adjustan. Para ano, para matakasan mo na naman yung mga problema mo? Para maextend na naman yang mga pinag-iisip mo.
.
...
.
Tapos ano? Iiyak ka na naman. Isisisi mo na naman sa Diyos yung mga bagay na tapos na? Magtatampo ka na naman at aasa na magbabago ang lahat instantly. Ano ka, sineswerte? Mangyayari lang yun pag nagdesisyon kang magmove-on. Pag pinili mong sumaya. Pag ginusto mong magbago. Wala nang instant ngayon huy. Kahit instant noodles, pinapakuluan muna bago makain. Umayos ka nga.
.
Hoy sumosobra ka na ah. Ang dami mong alam, di mo naman ako naiintindihan kaya mo nasasabi yang mga yan. Napaka-judgmental mo ah. Kala mo naman kung sino kang magaling.
.
Diyan ka magaling eh. Sa pagtatanggol sa sarili mo. Na kesyo ganyan, na ganun, na whatever. Bakit ba ayaw mo nalang aminin sa sarili mo na hindi ka okay? Baka umusad ka pa.
.
Eh sa okay nga ako eh!
.
Sinungaling.
.
Bahala ka kung ayaw mo maniwala.
.
Bakit ba kasi di mo maamin na nagtatampo ka, ha? Mahirap ba yun? Ganun ba kakapal pride mo? Ganun ba kahirap ibaba yan? Ganun ka ba katigas na hahayaan mong ganyan ka na lang eh pwede ka namang umamin, tapos si God na bahala para maayos yang mga dinadala mo.
.
Teka, bakit ba kelangan kong magpaliwanag sayo? 
.
Actually hindi mo naman kelangan magpaliwanag. Kasi alam ko na. Bingi ka ba? Di ba nga ako ikaw?
.

Ang labo mo.
.
Kaya binoblock mo na naman yung mga sinasabi ko?
.
Ewan ko sayo. Paulit ulit ka nalang.
.
Eh kung inaamin mo na kaya? Eh di napapadali tayo. Di na kita kukulitin. Di ka na maiirita sakin. Simple lang naman eh. Kaso duwag ka, di mo magawa.
.
Ano ba kasing gusto mong aminin ko?
.
Na badtrip ka kasi namatay yung pinsan mo. Na nagtatampo ka sa mga kaibigan mo, lalo na sa bestfriend mo kasi di na kayo nakakapagkwentuhan. Na naiirita ka kasi naiipon yung kwento mo at para nang sasabog puso mo kasi wala kang mapagkwentuhan. Na asar ka kasi miss mo na yung dat....
.
TAMA NA! TUMIGIL KA NA! HINDI KO NA KAYA!
.
Sige bahala ka. Nasabi ko na dapat kong sabihin. Kaya mo na yan, malaki ka na. Alam mo na yung tama sa mali. Sana gawin o na yung tama. Basta eto tandaan mo, makikita mo rin yung pinsan mo, siguro hindi pa talaga ngayon, pero dadating din tayo dun. Yung bestfriend mo, kaya ka nga "bestfriend" eh, dapat naiintindihan mo yung sitwasyon niya, di niya rin naman gustong di kayo magusap. Pati na rin yung iba mong kaibigan. Yung mga kwento mo, may handa namang makinig jan eh, di ka lang tumitingin sa paligid. At may nakakamiss na sayo. Buksan mo na ulit yung librong makapal dun sa bahay niyo. Baka maalikabukan na yun sa tagal niyang naghihintay. Wag kang magalala, maaayos din ang lahat. Pero lahat lang yun mangyayari pag ginusto mo rin. Okay ba yun? O self-hug >:D< Sige, babay, kaya mo na yan. ;)


-------------


Yeah, that's what's on my mind right now.
And yeah, I really do talk to myself. :| 

No comments:

Post a Comment