Monday, September 27, 2010

Child-like faith.

Ang sarap maging bata ulit. Yung mabilis tayo maniwala. Mabilis tayo kumilos. At hindi tayo basta-basta sumusuko pag alam nating totoo yung pinaglalaban natin. Kahit sabihin pa ng mga kalaro mo na sinungaling ka, ipaglalaban mo pa rin na totoo yung sinasabi mo. Bakit? Simple lang, kasi naniniwala ka. At unless sabihin sayo ng nanay o ng tatay mo na hindi totoo ang isang bagay, patuloy ka pa ring maniniwala kahit lahat ay tumututol sayo. Sana, bata ulit ako.


Saka yung mga bata, totoo sila eh. Hindi nila kailangan magpanggap na masaya sila kapag malungkot sila. Madalas pag badtrip sila, ipapakita talaga nila sa'yo yung nararamdaman nila. Badtrip sila eh, kahit gano kayo ka-close, kaya ka niyang awayin pag badtrip siya sayo. Hindi nila kayang itago yung nararamdaman nila. Sa sobrang totoo nila, kaya nila sabihin sayo lahat ng bagay na tinatago sayo ng mga matatanda. Kaya ka nilang pangitiin sa pamamagitan ng pagsasabi ng isang bagay na alam mo naman na at sinasabi na ng iba, pero pag sila ang nagsabi, iba yung tagos sa puso. Kasi alam mong hindi pinagisipan, talagang totoo lang.


Namimiss ko na sina Dofel. Sila yung mga batang kapit-bahay ko dito sa simbahan dati. Pastor kasi ang mga tatay namin. At magkakasama kami sa isang compound na nakatira. Dati, pag nalulungkot ako, bumababa lang ako para maggitara. Madalas, lumalapit sakin si Dofel. Makikipagkwentuhan, ganun. Minsan natanong niya ko...


"Ate Abby, okay ka lang ba?"
"Hindi, maraming iniisip eh. Hehe."
"Okay lang yan, andyan naman lagi si God diba?"


Parang natunaw ako sa hiya nun. Sa dinami-dami nang magsasabi sakin ng linyang yun, narinig ko pa sa isang 9 year old na bata. Wala na akong sinagot, nagpayakap nalang ako kay Dofel. Kung ibang tao ang nagsabi nun, baka nabadtrip ako, pero nung narinig ko sa isang bata, sobrang nadurog yung puso ko. Kasi alam kong walang kapeke-an yun. Sadyang yun lang ang alam niyang makakapagpagaan ng loob ko, pero pag iba ang nagsabi eh haharangan ko ang thought dahil sa pride, pero nung sakanya nanggaling, basag si ate Abby niya. As in basag at durog sa hiya.


Natutuwa ako sa mga batang kapag umiiyak ay dumederecho lang sa magulang nila para magpayakap. Alam nila kung kanino tatakbo. Alam nila kung sinong yayakap sakanila at magsasabi ng, "Okay lang yan, love pa rin kita." Alam nila kung sino ang magpapatahan ng mga luha nila. Alam nila kung sino ang magpapangiti sakanila. Alam nila kung sino ang magpapa-okay sakanila. At kahit paluin man sila ng magulang nila, oo magtatampo sila, pero alam nila na ginawa lang yun ng magulang nila para matuto sila, na ginawa yun ng magulang nila kasi mahal sila nito.


Gusto ko ng child-like faith. Parang yung kay Dofel. Yung totoo. Yung walang takot. Yung naniniwala. Yung naninindigan sa pinaniniwalaan. Yung alam kung san tatakbo kapag nalulungkot. Yung alam kung kaninong yakap ang dapat nilang higpitan. Yung alam kung sino magpapatahan at magpapa-okay sakanila. Gusto ko ng child-like faith. Para bago ako tumakbo sa iba, alam kong si Daddy God lang ang makakapagpa-okay sakin kahit sobrang gulo, lungkot, nakakapressure, nakakasagad, nakakapikon man ang buhay ko.


Alam kong hindi na ulit ako magiging bata. Pero gusto ko ng child-like faith. Yung paniniwala, paninindigan at pagunawa na tanging bata lang ang nakakagawa. Yung kahit paluin ka eh mahal mo pa rin yung pumalo sayo. Na kahit sinaktan ka, alam mong matututo ka dahil dun at hindi mo na ulit gagawin yung kasalanan mo. Na sa dulo ng lahat ng problema at ng sakit, masasabi mo na, 


"God, sorry na po, hindi ko na po uulitin, I love you."


...sabay yakap sa pinakamalupet na magulang sa buong mundo.

1 comment:

  1. Kung may like dito sa blogspot, ni-like ko na to ng sobra sobra. :) Tinamaan din ako. Child-like faith. Sana nga ganun din tayo ngayon. >.<

    ReplyDelete