People really tend to make things look/sound good, even if they really aren't.
Pessimistic much? NOT. I seriously think it's a good thing though.
Example:
1. To compress with violence, out of natural shape or condition.
2. Talk or behave amorously, without serious intentions.
So negative pala ang literal meaning ng "mash". I thought it was something positive, something good. Ang sarap kasi makinig ng mashed-up songs. Masaya makipag kaibigan sa hindi mo katulad. Exciting makaexperience ng hindi usual. Kahit nga mga bata eh tuwang-tuwa pag pinaghahalo nila ang toothpaste at shampoo sa tabo eh. Kahit alam nilang papagalitan sila, gagawin pa rin nila, kasi natutuwa sila dun eh.
Kaya siguro nagkaron ng figurative meanings, kasi may tumututol sa mga bagay na literal, kasi may hindi nakukuntento sa kahulugan ng isang bagay... at nakakakita sila ng paraan para pagandahin ang isang bagay kahit sobrang pangit na nito. Creativity nga naman ng tao.
Euphemisms. Ito yung mga salita na ginagamit para mapagaan ang isang awful statement.
Example 1: PANDAK KA.
Euphemism-ized: YOU ARE VERTICALLY DISADVANTAGED.
Example 2: ANG BOBO MO.
Euphemism-ized: YOU ARE ACADEMICALLY CHALLENGED.
Oo nga naman, mas maganda nga naman pakinggan ang vertically disadvantaged kesa sa pandak. Mas magaan sa dibdib masabihan ng academically challenged kesa bobo. Pero hanggang ganun na lang ba tayo? Tatanggapin na lang ba natin lagi dahil lang sa maganda pakinggan? O tatanggapin natin kasi alam nating totoo at magsstrive tayong baguhin yung kahinaan natin?
Maganda naman talagang paniwalaan ang positive side. Syempre kung papipiliin tayo, mas gusto natin dun sa maganda, dun sa masaya, dun sa safe tayo. Pero minsan, sa kakadistort natin sa mga bagay, sa kakapaganda natin sa mga hindi naman masyado maganda, nawawala na tayo sa reality, hindi na natin nakikita yung totoo. Nalolost na tayo sa illusion na ginawa natin para sa mga sarili natin. At yun ang negative side, mild psychosis na pala yun (technically), di lang natin namamalayan. Haha psychological much? I'm a psych major, what do you expect? :))
Okay lang naman pagandahin ang mga bagay, but we should still be intact with reality.
It's okay to walk near the fire, but we should keep our eyes open.
It's okay to reach for the skies, but never let your feet off of the ground.
Yeah, this is something really (in a weird way) random.
Well, for a week-ender, weird stuff matter.
What?.. I know that the last statement did not made sense. :|
No comments:
Post a Comment