Tinatamad nakong mageffort sa studies nitong mga nakaraang araw. Hindi na kasi ako magiging cumlaude. Pangarap ko yun eh. Sabi ko sa sarili ko, dahil di ako nakapagUP, dapat cumlaude ako sa ibang university na papasukan ko. Kaso lang, wala naman pala sa school yun. Kahit saang school pako pumunta, hanggang Psychology ang kinukuha ko, kelangan ko pa rin kunin ang chem. Oo, hindi big whatever university ang Trinity, pero it doesn't mean na loser ang quality ng education namin. At ako, kahit saang school mo pako dalhin, pag chem ang subject (tres ang midterm grade ko), mahihirapan at mahihirapan ako. Hindi ko dina-down ang sarili ko. Hindi lang ako umaalis sa realidad.
Pero ano nga naman kung hindi ako maging cumlaude. Mabuting tao parin naman ako. At hindi naman mababawasan ang pagmamahal ng ibang tao sakin dahil lang sa isang stir na grade sa chem. Oo, binubuhat ko sarili kong bangko, masaya kasi eh at alam kong tataas ang self-esteem ko. Pasensya para dun.
At sa gitna ng pagkatamad na ito, naalala ko ang sinabi ni cell group leader ko sometime before about sa kataraman.
"Simple lang naman eh.
Kahit tinatamad ka,
gawin mo pa rin."
(Ate Myg)
Yun na yun. Walang sobra, walang kulang.
2 weeks nalang. Karirin na ang dapat karirin.
Patusin na lahat ng tutorials at remedials.
Lahat ng paraan pasukin na. Kaya ko to.
Woohoo.
No comments:
Post a Comment