"Kaya siguro nainbento ang pagtakbo dahil nababagalan ang Diyos satin."
Nabasa ko lang sa blog ng schoolmate ko nung elem. kaya din siguro naimbento ang cramming dahil nakita ng Diyos na tamad tayong gawin agad ang mga bagay bagay. :| ang dami kong term paper. Actually, dalawa lang. Pero more than 1 naman kaya marami na rin yun. At ang subjects kong may final exam ay lima.
Personality Psychology. Cover to cover. Lahat ng theory sa personality mula umpisa. Grabe lang, wala na nga akong maalala. Si Freud na lang. Ako na, ako na may short memory span.at sa friday ay may Pre-finals pa kami na cover to cover din about naman sa proponents ng theories. May term paper din dito na sa friday din ang pasahan. At isa lang ang masasabi ko re:paper... ang hirap idescribe ang sarili. Tapos papasukan mo pa ng theories. Sabaw.
Literature. Okay lang to. Puro readings lang. Sana nga lang eh wag objective ang exam dahil nakakabaliw yun. Dahil sa fill in the blanks sa exam nung midterm kaya ako bumama sa midterm grade. Lugi.
Chemlec at chemlab. Hiwalay na test pa sila. At may project pang recycled items para sa lab. Pano ko gagawan ng structural formula ang material ng tarpaulin? :| O kaya plastic ng zesto. Men, how how how, pusang naligaw?
Philosophy - Logic. Alanganin ako dito. Laging fail ang mga quiz ko. Actually buong class hirap sa logic. siguro practical people talaga kami at hindi logical. Oo na, lumulusot pako eh.
Nagpapasalamat ako na tapos na ang finals sa PE3. Sa wakas di nako lalangoy ulit. At buti nalang ay yung ibang subjects ay special requirements nalang imbis na exam. Sa Humanities ay musical play, sa Filipino ay term paper at exempted ako sa Rizal sa kadahilang mejo mataas ang midterm grade ko. Buti na lang talaga. Ang iniisip ko ngayon ay paano ko magagawa ang dalawang term paper na due parehas sa friday at kelangan kong aralin ang Persona Psych pre-finals. Naway hindi na ako umabot ng ala-singko ng umaga kaka-cram. Hindi maganda ang naging epekto sa akin. Sa lahat naman siguro.
At... at... at... titigilan ko na ang pagaadik sa internet dahil dapat ginagawa ko na ang mga bagay na sinabi ko. At eto na titigil na talaga ko.
*clicks publish post and exits the current window*
No comments:
Post a Comment