Wednesday, January 19, 2011

SOBRANG TULOY TULOY. KUNWARI MAY SENSE.

BABALA: Ang mga susunod na salita at pangungusap at itatype lang depende sa kung anong naiisip ng nagsusulat. Ito ay base sa kanyang mga karanasan noong mga nakaraang araw, linggo at maaari ring mga taon. Hindi niya ito pinagisipan dahil di rin siya makapagisip coherently. Blog niya ito kaya sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Salamat.


--


Wag mong hanapin yung dati pang nandiyan. Nakakainsulto kasi yun minsan. Lalo na pag nakikita mo lang siya kapag wala na yung "iba". May mga taong kaya magtiis. Kaya maghintay. Kaya magtiyaga. At kayang ulit-ulitin ang pagtitiis, paghihintay at pagtitiyaga para sa'yo.. kahit minsan masakit na. Bakit? Kasi mahal ka niya. 

Oo, alam ko hindi pinipilit ang pagmamahal. Hindi mo pwedeng diktahan ang utak at puso mo na mahalin ang isang tao. Kasi magiging tulad ka ng isang pilay na kahit anong pagdikta sa sarili niya na gusto niya nang makalakad eh hindi pa rin naman mangyayari. Sa dulo, pag pinilit niya, masasakatan lang din siya. Sa kakapilit mo na maibalik ang wala naman talagang damdamin, nakasakit ka na, nasaktan ka pa. 

Pero minsan, hindi naman talaga kailangan maibalik eh. Minsan, kailangan lang tanggapin. Minsan, hindi naman din hinihiling ng mga nagmamahal sa atin na ibalik natin nang buong-buo yung binibigay nila. Minsan, gusto lang nilang makita na tinatanggap natin yun kahit alam nila na hanggang dun lang, wala nang hihigit pa. Eh ano bang magagawa nila kung dun nalang talaga ang kaya natin? Kesa naman magpanggap pa tayo, mas magiging masakit lang yun para sakanila. Niloko mo na ang iba, niloko mo pa ang sarili mo.

Siguro, problema din yung pag akala natin tayo lagi ang mas nagmamahal. Tayo yung mas nagbibigay ng oras. Tayo yung kayang iwanan yung iba para lang makasama yung isang tao. Tayo yung kahit walang pera, manlilibre parin. Tayo yung kahit may gagawing iba, sasama pa rin. Tayo yung kahit di mo naman talaga gusto ang pinapagawa niya, gagawin mo pa rin. 

Sa una, masarap sa pakiramdam na may nagagawa ka para sa iba. Lalo na kung alam mo na mahalaga yung pinaglalaanan mo. Ng pagmamahal. Ng oras. Ng panahon. Ng pera. Ng lahat lahat. Kaya masakit pag walang naibalik. Sa una, wala lang, steady lang. Pero pag nagtagal na. Shet bakit ganun? Lahat naman binigay ko ah. Bakit ang manhid manhid niya? Bakit hindi niya kayang pantayan yung ginagawa ko para sakanya?

Sayang eh. Ang ganda na sana ng simula. Pero sa dulo ng lahat ng sakripisyo. Hindi naman natin maiiwasang hindi isipin ang sarili natin. Kasi tao tayo. Nakakaramdam din. Minsan, napupuno rin. At sana, kahit hindi maibalik lahat ng binigay mo para sakanila, sana suklian naman nila yun ng simpleng pagsubok na umunawa. Kahit subok lang, at least may effort. Nakakapagpalubag-loob din yun. Lalo na sa taong mababaw lang naman ang tingin sa salitang "comfort".


--


Okay pagod nako. Bukas na ulit. Hirap hindi magisip!

No comments:

Post a Comment