Thursday, January 20, 2011

KWENTO.

...kasi gusto ko magkwento. Dito nalang tutal wala rin namang nagbabasa. :)


January 20, 2011. Late na ako sa first class ko. 12 ang pasok ko, 12 na nasa bahay pa rin ako. What's new? I'm always late. Being late is my life. Not that I'm proud of it, just so you know. Tapos may dumating na kamaganak. Yung nanay ko todo sa pagtawag ng pangalan ko eh nasa banyo pa nga ako nun :| Binaba ko kamaganak ko na di pa nasusuklay ang buhok at di pa natatali ang ribbon ng uniform ko. So mukha akong basang sisiw na bumaba. :| Then yun, sinabay nila ako hanggang Welcome Rotonda kasi madadaanan naman nila. Punta kasi silang Divisoria. So ang saya ko kasi nakatipid ako at di nako nagtaxi. Yey. 


Pagdating ko sa school, sakto, 1st slide palang ng presentaion ng bagong lecture sa BioPsych. Yey ulit, sakto ang dating ko. So yun nagdiscuss ang everything. Then nag-lunchbreak na. Di naman ako gutom kasi kumain ako bago umalis ng bahay. So pizza pocket nalang at strawberry shake ang binili ko...pero nagbago ang isip ko kaya bumili din ako ng mango float at hilaw na mangga. Para lang akong naglilihi sa wirdo ng kombinasyon ng mga kinain ko. Buti hindi sumakit ang tiyan ko. 


After nun, humiwalay muna ako sa blockmates ko at naghanap ng matatambayan na ako lang magisa. Hindi naman sa nagsasawa na ako sakanila. Pero minsan, masaya din yung ako lang magisa. 6 days kasi kami sa isang linggo magkakasama. Wala na akong maikwentong bago. Kasi halos lahat ng experience ko, sila ang kasama ko. At tinatamad din akong magsalita kanina kasi inaantok ako. Epekto yata ng ininom kong Anti-histamine dahil sobrang lala ng ubo't sipon ko, ayun inantok ako nang malala. 


Ang saya mapag-isa. Walang magulo. Walang kakausap sa' yo habang naka-earphones ka. Walang eepal pag nakatulala ka lang. Walang mangangalabit. Walang makilit. Ikaw lang. Sarili mo. Sarap! Oo na, ako na ang nageenjoy sa pagiging introvert. Ayun, tapos dumating yung isa kong blockmate after mga 30minutes. Sabi niya, "Humiwalay muna ako. 6days nang magkakasama eh. Inaantok ako.". Hindi na rin kami masyado nagusap. Sabay nalang kaming pumikit habang nakaupo dun sa may bench ng 3rd floor ng AS building habang naghihintay ng next class.. SARAP. PRICELESS.


Ayun, nag BioChem lec at lab na. Natapos nang maaga yung lab, kaya maaga rin akong nakauwi. Kaso, ngunit, subalit, datapwat... ang lakas ng ulan... at wala akong payong. Hindi naman talaga ako nagpapayong. Ineenjoy ko kasi ang ulan. Usually, kapag umuulan, naglalakad lang ako sa ilalim nito. Walang pagmamadali, swabe lang, lakad lang, parang emo lang. 


Pero, hindi ko pwedeng gawin yun ngayon. Masyadong malakas ang ulan, masakit sa balat. At isa pa, may baha. At ang malala, yung sapatos ko ay espadrilles. At malamang mababasa siya nang malala dahil tela lang siya. Badtrip. Okay lang na mabasa ako eh, pero yung sapatos at bag ko, ibang usapan na yun.. Pero wala akong choice. 


Pagbaba ko palang ng jeep sa Quezon Ave., baha na. Basa na agad paa ko. Tumambay ako sa waiting shed sandali, pero kung hindi ako aalis dun, siguro inabot na ako dun ng dis-oras ng gabi kaya wala akong choice kundi tumakbo na. Pagakyat ko ng overpass, ang daming nanunuod sakin na mga taong nakatambay sa waiting shed. Naconscious ako kaya binilisan ko ang takbo. Pagtakbo ko nagtalsikan ang tubig sa likod ko at may natapakan akong part ng footbridge na mejo lumubog sa puno ng tubig, Ramdam na ramdam ko ang pagpasok ng tubig sa sapatos ko, pero derecho pa rin ako sa pagtakbo.


Nung nasa sidewalk nako ng EDSA, sakto may dumaang jeep at natalsikan ako ng tubig na nadaanan niya. Ugh. Bahala na basa na rin ako eh, itutuloy ko na. Lumusong ako sa baha dun sa may papuntang NSO at mejo kadiri talaga pero wala naman akong magagawa. Buti nalang nakauwi ako sa bahay nang maayos. Nabasa ang sapatos ko, actually naging aquarium ang sapatos ko, nagswimming eh. Pero buti nalang yung mga libro ko safe. 


Swerte pa rin ako. Nakauwi ako eh. Gumagana rin pala yung favorite phrase ko nowadays na, "Bahala na.". Minsan pala, epektib din siya. At kahit pano may napapala ako pag sinasabi ko siya.

No comments:

Post a Comment