Pero ngayon, nagutom ako. So nagdecide na rin akong simulan magluto kasi 9pm na kanina. But the thing was, walang mailuto. As in, wala. Gusto ni daddybels ng pancit canton, pagcheck ko sa cabinet, ubos na. So sabi ko ham nalang, tutal marami pang tira nung Christmas. Tapos nakakita ako ng itlog at isang sobrang luma at maliit na cheese sa ref. So sinama ko na rin. Pero! Nung nagpapainit nako ng frying pan, naghahanap ako ng mantika, at wala akong makita. WALANG MANTIKA. Anak ng tokneneng. :| Binutas kasi ng daga yung mantika namin, kaya ayun, walang natira. Pero sige, para lang makakain, nagluto ako ng scrambled egg with cheese na luma at dalawang pirasong hotdog na hinati ko pa sa tatlo sa isang frying pan na walang mantika. Wag na yung ham kasi mejo weird yung ham na di niluto sa mantika diba? Haaayyy. Kumusta naman ang dinner namin.
Tapos nung niserve ko na yung food. Nagpalagay si daddybels ng kanin sa plato niya. Kinapa niya yung kanin sabay sabing, "Kaning Lamig?". Sabi ko, "Opo eh, nakita ko lang yan diyan, wala namang iba.". At kumain kami na hindi man lang kami nagusap. :|
And the moda part:
Sana naiintindihan ng mga tao sa paligid ko na kaya ako madaldal at maharot pag magkasama kami kasi wala akong nagaganun sa bahay. Naghaharutan kami minsan ng pamilya ko pero siyempre hindi madalas. Sana magets ng mga tao
Confessions of an only child? Ha-ha.
No comments:
Post a Comment