Hihinto ba ang oras kapag sinabi kong napapagod ako?
Liliwanag ba ang langit pag tinigil ko ang pagluha ko?
Sigurado ka bang may saysay ang pagbitaw ko sa mga ito.
Kung mismong ikaw ay nalilito kung may pupuntahan nga ba lahat ng sinimulan mo.
Kung di rin naman itutuloy, bakit mo pa sinimulan
Kung naglalaro ka lang, wala itong patutunguhan.
Sana makita mo, na di sayo umiikot ang mundo.
May buhay din ako, kahit paulit-ulit mang nasaktan dahil sa'yo.
No comments:
Post a Comment