Monday, June 13, 2011

TOO MUCH FUN WILL BREAK YOUR BONES. :(

Yesterday, I was having fun with my churchmates. Last day of vacation na kasi, sinusulit lang namin. We we're supposed to go bowling but then  we decided to meet and plan an upcoming event nalang: Grand Cellgroup Opening. :)


After all the planning, we decided to play Pinoy Football. Wala lang, para maiba lang. Haha. After a couple of rounds... nung turn ko na para sumipa, pagtakbo ko after bigla akong nakarinig ng pagtunog ng buto ko. Feeling ko mga tatlong tunong pa nga yun eh. Tas after nun, di nako makalakad. Sobrang masakit siya. Nandilim pa nga paningin ko sa sakit. Tapos yun, they applied cold compress. Akala namin muscle pain lang o nabigla lang yung buto kasi di naman talaga ako tumatakbo madalas. Kaya pinahinga ko lang muna yung paa ko. 


Pagakyat kong bahay, inalalayan ako ni Sarah at Kuya Rambo kasi sobrang masakit talaga siya. Syempre nung nalaman ng magulang ko nagalit sila sakin. @_@ Haha tas nung nalaman nilang tumunog yung buto, nagdecide agad silang dalhin ako sa ortho. Akala ko talaga wala lang kaya pumayag ako, tas yun nga pina-xray siya. At nalamang minor fracture siya. In short:
  • Cast for 3-4 weeks.
  • Crutches for 3-4 weeks.
  • 1 week absent from school.
  • Limited movement.
  • MAHIRAP MATULOG, MALIGO, GUMALAW, LAHAT NA.
  • ANG SAKIT! :(
Sa susunod, magiingat nako. Ito yung experience na di mo na gugustuhing maulit. :| 

No comments:

Post a Comment