Saturday, May 12, 2012

Sobrang Late Na Birthday Post.

Nineteen.. na ako. Wala pa rin sense mga blog post ko. Sobrang late pa. Lol.


Nineteen. Hindi ko alam pero may kasamang mabigat na responsabilidad para sa akin ang edad na nineteen. Parang ito yung nasa gitna ka ng pagdedesisyon kung tatanda ka na ba talaga o mananatiling bata pa. Sabi nila, eighteen daw yung edad na mattransform ka sa pagiging "adult". Sabi nga sa mga tagline ng mga debut, "Let's witness a girl turn into a lady.." Utut nila. Para sa akin, mas crucial ang nineteen. Mas bingit ng kamatayan, ganun yung leveling. 


Nineteen. Pagitan ng eighteen at twenty. So ito talaga ang huling taon ng pagiging teenager. Huling taon ng pagkakaron ng karapatang maginarte sa mga simpleng bagay. Huling taon para magkaron ng karapatang iyakan yung crush mong di pumansin sa'yo. Huling taon para magkaron ng karapatang matawag na teenager. Mas crucial naman talaga diba. Nakakatakot tumanda, pero kailangan. Di ka man makausad sa sakit ng una mong pagibig, ang edad mo uusad pa rin kahit anong mangyari. Nako naman, buhay talaga o.


Speaking of pagtanda. Ano na nga bang napala ko sa loob ng labing-siyam na taon? Bukod sa mga award nung gradeschool, sa mga kaibigang bilang sa daliri nung highschool, sa mga kukong nakagat, sa mga joke na hindi bumenta, sa mga kwentong napakinggan, sa mga pelikulang napanuod, sa mga kantang nakabisado, sa mga subject na muntik nang bumagsak, sa mga sitwasyong iniyak, sa mga taong namiss, sa mga blog post na naipost... ano pa nga ba ang naiambag ko sa lipunan sa loob ng labing-siyam na taong nabuhay ako sa mundo? Ano nga ba yung masasabi ng mga tao pag narinig nila yung "Abby Padrelanan"?


Lahat naman siguro tayo nagkakaroon ng secret obsession sa buhay. Oh well papel, ang secret obsession ko ay... gusto kong magmatter ako. Lahat naman siguro. Secret lang yun kasi alam kong mali na yun ang gustuhin sa buhay. Lalo na kung alam mong mas dapat mong paghandaan yung ibang bagay na mas nagmamatter kesa problemahin ang sarili mong mattering... Pero gusto ko pa rin. Alam mo yung feeling na diabetic ka pero gusto mo pa rin kumain ng chocolate? Yung 16 ka palang pero may kaMU ka na kahit sabi ng parents mo 18 ka pa pwede jumowa? Yung sabi ng nanay mo wag mong galawin yung isang posporo pero gagalawin mo pa rin? Ganun yung feeling. Yung alam mong bawal, pero gusto mo pa rin. 


Masaya kasi isipin na may halaga ka. Masaya isipin na pag nawala ka, may makakamiss sa'yo. Masaya yung feeling na may kwenta ka, hindi ka bale wala. Pero the more na iniisip mo yung pagmamatter mo, the more na tataas ang needs ng ego mo. Unti-unti kang magbbuild ng walls at unti-unti kang magdedemand ng mga bagay galing sa mga tao sa paligid mo. Mataas ang probability na kahit anong subok pa nilang iparamdam sa'yo na mahalaga ka sakanila, hindi mo mapapansin kasi kasabay ng pagtaas ng effort nila, eh pagtaas din ng standards mo. Sa dulo, feeling mo pa ikaw yung kawawa, kahit ikaw tong sobrang tigas ng mukha makapag-demand. Lalala, kunwari hindi ako nagpaliwanag. 


Pero more than the mattering, nagpapasalamat ako dahil ang God ko ay isang God na nagpapaliwanag. At kahit marami siyang pinapagawa na hindi ko nagawa, alam kong hindi siya magsasawang paliwanagan ako. At kung magsasawa man siya, ayoko nang umabot pa sa parteng yun. 


Kung may isang bagay man akong natutunan sa pagkocontemplate ko nitong mga nakaraang araw. Yun eh.. Isang Great Promise ang kayang itumbas ng God ko sa isang secret obsession ko. Wala na kong ibang dapat gawin, pipiliin ko na lang, no sweat, swabe, keriboomboom, cool.


Ngayong nasa bingit nako ng pagtapak sa pangalawang dekada ng buhay ko, gusto ko lang sanang hingin sa Panginoon na baguhin niya nang tuluyan ang mindset ko. Ayokong maiwan sa byahe ng buhay dahil sa maling pagtingin sa mundo. Gusto kong maenjoy ang buhay na binigay Niya sa ultimate na level. Para cool.


Salamat sa lahat ng sumama sakin sa nineteen years ng buhay ko. Sa mga magulang ko. Sa mga kamaganak ko. Sa pinakamatalik kong kaibigan. Sa una kong pagibig. Chos. Sa mga churchmates ko. Sa mga college friends ko. Sa mga kaunting highschool friends ko. At sa mga nasa "other friends" category. Salamat sa pagpayag na maging parte ng mala-teledrama ang peg kong buhay. Hanggang sa ika-isangdaan kong kaarawan! Forever na 'to mga pare. Mahal ko kayo. Pakiss :*

No comments:

Post a Comment